mch #23

17.7K 447 7
                                    

XXIII.

Nico's POV

Anak nang! Sino ba tong katok ng katok sa pintuan ko? Bayad naman ako sa kuryente at tubig ah. Matutulog na ako eh. Istorbo!

"Gabing gabi na ah, sino kaba?"

Nagulat ako ng buksan ko yung pinto, isang pamilyar na babae ang may dala dala ng SMB light, at ewan ko kung ano pang dala nya.

"H-hi, pwede ba akong pumasok?"

"Yeah sure."

Takte, ano kayang nangyari kay Jeany, hmm mukhang nag away sila ni hapon.

"Ano yang dala mo?"

"Beer and chips, you know. Can you drink this with me?"

"Ok, no prob. Pero teka, alam ba ni hapon na andito ka? Baka mamaya sirain nun yung apartment ko."

"Kahit naman sirain nya to, may condo ka pa." Sabay tawa ni Jeany

"Ewan ko sayo, dito nalang tayo sa lapag ha, wag kang maarte, wala tayo sa condo ko."

"Oo,.grabe, kailan ba ako nag inarte ha?"

"Madalas, nung staff pa kita."

"Oy, never nangyari yan boss, mabait akong employado"

"Oo mabait kabg empleyado, walang absent, late. Pero simula nung nagdesisyon kang sumali sa contest, naiba na lahat sayo."

Binuksan ni Nico ang isang smb at ininom ito.

"Tama ka nga siguro, nag iba na nga siguro ako. Ewan ko, di ko din alam kung anong nangyari eh"

Ininom din ni Jeany ang isang smb.

"Alam mo kung anong nangyari, aware ka naman, pero ang totoo, pinabayaan mo kasi"

"Nico, diko na alam yung gagawin ko, nahihirapan na ako sa kanya."

"Bakit ba kasi? Anong nangyari?"

Tsssss. Bat ba ako nagtatanong? Alam ko namang hindi sya mahal nung hapon na yun, kung ako pinili nya hindi mangyayari sakanya to. Hays, mga babae talaga, masokista.

"Buntis daw si Erika, hindi pa sila nag uusap kung anong mangyayari, hindi daw nya sure kung sya yung ama.".tumulo ang luha na ni Jeany pero agad din nyang pinahid yun.

"I mean, alam ko naman, si Erika yung mahal nya, pero kasi sabi nya aayusin nya yung samin, naniwala ako kasi nag effort din naman sya pero ayun, biglang parang ewan nanaman. Ang sakit pala." Hindi napigilan ni Jeany ang pag iyak nya.

"Wag ka ng umiyak, hays, ikaw naman kasi, andito lang naman ako kaso mas pinili mong abutin sya. Hindi naman pwedeng hindi kita, namin, suportahan diba?"

"Alam ko naman eh, alam ko, kaso andito na eh, papanindigan ko nalang. Isa pa,ang totoo nyan nag walk out lang ako sa bahay nya."

"Hindi nya alam na andito ka?"

"Hindi, yaan mo sya, hindi naman ako hahanapin ng unggoy na yun."

Napangiti si Jeany.

"Buti nalang ngumiti ka na, wag mo muna syang isipin, pero teka, pano kyng buntis ka din sino na ang pipiliin nya?"

Muntik ng maduwal si Jeany sa sinabi ni Nico.

"Bakit? Normal lang naman.yun diba, kasi mag asawa kayo, pano pag buntis ka din, pano na?"

"Kalma lang Nico, imposibleng buntis ako."

"Ha? Wag kang ma offend ha, baog ba sya o ikaw?"

Biglang napatawa ng malakas si Jeany.

My Celebrity HusbandHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin