mch #63

12.6K 342 33
                                    

PA FOLLOW SA INSTAGRAM: edjsunako

XIII.

"Ayyyy. Nakatulog na sya? Pano ko kaya papatayin ang nanay mo? Barilin ko kaya" sabi ni Erika habang naka ngisi kay Kyohei.

"Bakit nyo po ba to ginagawa? Tigilan nyo na po ang mommy ko"

"Hindi! Kasalanan to ng mommy mo, kung di sya dumating sa buhay namin ni Kazuya, kami sana ang ikinasal! Sya sana ang ama ng anak ko!"

Hindi na sumagot si Kyohei, iyak lang sya ng iyak. Kumuha ng baril si Erika at ikinasa ito.

"Isang bala lang, isang bala lang!"

"Mommy! Mommy! Gumising kana!"

"Sige. Umiyak ka hanggang gusto mo, hanggang maubusan ka ng luha, ipagluluksa mo din naman yang nanay mong basura!"

Aktong nakatutok na ang baril sa walang malay na si Jeany.

"Paalam sayo, hindi ko na din patatagalin pa ang pag hihirap mo! Ito ang napapala ng mga mang aagaw! Kung di mo inagaw si Kazu-"

"Erika!" Sigaw ni Kame. "You made that choice, alam mong mahal na mahal kita at may usapan na tayo pero niloko mo ko! Si Haru ang patunay diba? Kaya bakit kay Jeany mo isinisisi ang lahat!"

Lumapit si Erika kay Kame at niyakap ito.

"Kazu!" Sigaw ni Erika. "Babalikan mo na ba ako ha? Wala akong gagawing masama basta bumalik ka"

Inialis ni Kame ang pagkakayakap ni Erika at tiningnan nya ito na para bang nadidiri sya. "Please, itigil mo na to,  parang awa mo na, mahal na mahal ko ang anak ko pati si Jeany, please"

"Hindi! Akala ko pa naman kaya ka pumunta dito para balikan ako, pero hindi! Papatayin ko na ang babaeng yan!" Tinutok ni Erika ang baril kay Jeany pero humarang dun si Kame.

Kame's POV

Gusto ko ng patayin si Erika ngayon dahil sa itsura ng mag ina ko. Walang malay si Jeany at may mga pasa pa, ganun din si Kyohei. Kailangan kong humanap ng tyempo para mailigtas ang mag ina ko. Maswerte ako at kasama ko sila Sza ngayon, dahil may makaktulong ako.

"Sige. Ako naman ang simula nito diba? Ako ang patayin mo"

Tumulo ang luha ni Erika. "Bakit sya? Ano bang nakita mo sakanya? Kaya ko din namang gawin ang lahat ng ginagawa nya! Bakit? Bakit?!" Napa upo si Erika dahilan para makabig sya ni Kame at nabitawan nya ang baril.

"Sza! Nico!" Pagka sigaw ni Kame ay dumating ang mag asawa, kinuha ni Sza si Kyohei at binuhat naman ni Nico si Jeany.

"Wag! Wag!" Sigaw ni Erika. Nakikipag bunuan na sya kay Kame para sa baril.

"Tama na Erika!"

"Papatayin ko kayong lahat!" Nagpupumiglas pa si Erika pero may mga lalakeng naka itim na angako humawak sakanya.

"Anong ibig sabihin nito? Sino kayo ha?! Hintayin nyong makawala ako at isusunod ko kayo sa babaeng yun!"

Isang palakpak ang narinig ni Erika at napahinto sya sa pagpipiglas.

"Lo-la Claire?" Gulat na tanong ni Erika

"Ako nga." Sabay sampal ni Lola Claire kay Erika Hindi ko akalain na talaga palang baliw kana. "

"Bakit nyo ko sinampal ha? Ano bang hindi nyo maintindihan? Gusto ko lang naman mabuo ang pamilya ko!"

"Wala kang bubuoing pamilya kasama ang apo ko, dahil hindi kita matatanggap kahit kailan pa."

"Pakawalan nyo nga ako! Bitawan nyo ko!"

"Bakit? Anong nakita nyo sa babaeng yun ha? Ano?! sa totoo lang, kayo ang dahilan ng lahat ng gulo sa relasyon namin ni Kazuya!"

Inihagis ni Lola Claire ang isang envelope, dahil naka bukas ito, lumabas ang mga picture nila ni JL, may mga dates pa ang mga picture.

"Matagal mo ng niloloko ang apo ko bago pa man dumating si Jeany, nakita na yan noon ni Jeany pero di nya sinabi kay Kazu dahil alam nyang mahal ka ng apo ko. Pero ikaw ha? Pera lang ang habol mo at ngayon tuluyan ka ng nabaliw!"

"Hindi yan totoo Kazu, pls."

"Wag ka ng magpaliwanag, wala na din naman akong paki, pero isa lang ang sigurado, pag may nangyaring malala sa mag ina ko, baka mapatay talaga kita."

Sumenyas lang si Lola Claire at binitbit na ng mga tauhan nya si Erika sa loob ng sasakyan.

"Lola, sino ang mga yun?"

"Mga tauhan ko, kung pano at bakit ay wag mo ng itanong, importante ay makulong ang Erika na yan"

"Thank you lola"

Ngumiti lang si Lola Claire.

Isang oras na byahe at matapos nilang dalhin sa prisinto si Erika at dumerecho na si Kame sa Makashti Med dahil doon dinala nila Sza at Nico si Jeany at Kyohei.

*Makashti Med

"Doc kamusta ang anak ko?"

"Ok naman po sya sir, pero kailangan mag undergo ng therapy ng bata dahil sa trauma."

"Sige po, gawin nyo kung ano ang dapat."

Pagkalabas ng kwarto ni Kame sa room ni Kyohei ay dali dali syang pumunta sa kwarto ni Jeany. Labis syang kinabahan ng makita nya ang itsura ni Sza.

"Sza? Kamusta si Jeany?"

Hindi sumasagot si Sza bagkus ay tumulo lang ang luha. Si Nico ang sumagot para sakanya.

"Hindi pa sya nagigising hanggang ngayon" malungkot na sabi ni Nico

"Ha? Anong nangyari? "

"Umalis na ang doctor nya kaya hindi namin mapapakausap sayo, ang sabi nya lang ay madaming dugo ang nawala kay Jeany, kapag dipa sya gumising hanggang bukas ay considered comatose na sya."

"Ano?!" Nasapo nalang ni Kame ang ulo nya, para bang gumuho na ang mundo nya.

Nasa labas sila ng kwarto at nakaupo sa upuan sa hallway. Halos di sila nag iimikan. Kinse minutos ang lumipas bago magpaalam sila Sza at Nico na magbantay muna kay Kyohei. Nang magpaalam ang dalawa ay nagpasyang pumasok ng kwarto ni Jeany si Kame.

Pagpasok nya ay nakita nyang may benda sa ulo ang asawa. May mga pasa sa mukha at braso.

I will kill that woman! Sa isip isip ni Kame.

Hawak hawak nya ang kamay ni Jeany habang nakaupo. "Shart, wake up please. I need you. Shart, pls"

Tumutulo ang luha ni Kame habang nakahawak sa kamay ni Jeany. "Pinch my hand ok? Pls Shart, wake up"

Hindi nagtagal ay gumalaw nga ang kamay ni Jeany.

"Shart! Shart!" Sobrang natuwa si Kame dahil sa naging response ni Jeany. Pero agad ding napalitan ang tuwa ba nararamdaman nya dahil biglang nagkumbulsyon ito. Agad nyang tinawag ang mga nurse at doctor para kay Jeany. Agad din syang pinalabas ng mga ito dahil sa emergency, sa labas ay isa lang ang nakikita nya, ang straight line sa pulse indicator. At ang isang malakas at mahabang tunog, tunog na parang wala ng buhay pa ang pasyente.

"No! Please, Lord!" Malakas na sigaw ni Kame habang lumuluha.

A/N: sorry, hindi ko alam ano talaga tawag dun sa monitor ng pulse rate. Hahahah. Sorrryyyy powsss. Please vote and comment po. More or less 4 chapters nalang po. Love lots!

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now