mch #43

13.9K 303 57
                                    

XLIII.

Kame's POV

Am I being unfair to Jeany? Tama lang naman ng desisyon ko eh. Muntik ng may mangyaring masana sa baby dahil sakanya. Pwede naman nyang pagpasensyahan muna si Erika. Sa tingin ko tama lang pero sa nakikita kong itsura nya, alam kong mali. Pero anong choice ang meron ako? Ano ang magagawa ko ngayong malapit ng manganak si Erika. Kailangan nya ako.

"Jean, ngayon ko iuuwi si Erika, dun muna sya sa guest room sa baba."

"Ok sige, aayusin ko nalang muna ang kwarto na yun. Sa tingin ko dapat na nating pabalikin yung mga kasambahah natin."

"Hindi pwede, baka malaman ni Lola alam mo namang hindi papayag yun"

Napa buntong hininga na lang si Jeany. Wala na talaga syang sasabihin na magiging pabor ang asawa.

~~~

"I have to go Jeany. Erika, kung may kailangan ka tawagan mo lang ako ok?"

"Yeah sure. "

Ang awkward ng paligid, aakyat na sana si Jeany ng biglang nag salita si Erika.

"San ka pupunta?"

"Aakyat sa kwarto ko, ano sa palagay mo?"

"Ang tapang mo no? Kasi wala si Kazuya dito"

"Oh ikaw din naman diba? Nasan na yung mala anghel mong aura kanina?" Walang hiya talaga to eh, sinasagad talaga ang pasensya ko!

"Wala kang paki! Malas mo, kami magkakaanak na, kayo wala pa. Nakaka inggit no?"

"Bat naman ako maiinggit? Magkaka anak nga kayo, eh sino ba ang mahal nya?"

"Walang hiya ka!" Saktong sasampalin ni Erika si Jeany pero nasalo nya ito.

"Pinipigilan ko ang sarili kong saktan ka kaya wag mong pilitin. Pasalamat ka at buntis ka dahil kung hindi kanina kapa gumulong dyan. Kaya kung ako sayo, hindi mo ko pipigilang pumunta sa kwarto namin ng asawa ko." May diin ang pagkabanggit nya sa "namin ng asawa ko"

"Sige, I enjoy mo ang posisyon mo ngayon dahil pag na nganak ako, sigurado akong makakalimutan ka na nya!"

"Hindi mangyayari yan, kahit sa panaginip mo. Ako lang ang mahal nya at kahit gamitin mo pa ang magiging anak nyo di mo sya maagaw!"

Jeany's POV

Hanggang kailan ko matitiis to? Gusto ko na syang sampal sampalin at bugbugin pero pano ko gagawin kung may baby na madadamay. Malapit ng maubos ang pasensya ko. Juskolord!

Tumunog ang cellphone ni Jeany.

May nagtext?

From Hubby:
Pls bear with her a little more, mahal na mahal kita Jeany.

"Mahal na mahal din kita Kame, kaya sige, titiisin ko pa hanggang kaya ko, titiisin ko pang makita ang babaeng yun."

~~

Naglinis mg kwarto si Jeany. Nag ayos ng mga gamit, nagpalit ng kobre kama. Pakiramdam nya ay mababawasan ng masamang aura kung gagawin nya yun. At ng matapos sya ay kahit maaga pa ay nagluto na sya ng hapunan. Umupo sya sa sala upang manuod ngunit nanunuod na ang bruha.

Ayaw man nya ay kasama na nila si Erika sa pagkain at araw araw nyang makikita ang mukha nito.

Ala sais na ng hapon kaya inaya na nyang kumain si Erika.

"Gusto mo na bang kumain?" Tanong nya kay Erika.

"Hindi pa, hihintayin ko pa si Kazu"

"Bakit?"

My Celebrity HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon