mch #60

14.4K 342 50
                                    

LX.

Nico's House

"Pasensya na kung ngayon ko lang masusundo si Kyohei, sorry talaga Sza"

"Ok lang, ano bang nangyari kasi? Nagulat nalang ako ng nagtext ka kanina"

"Naaksidente yung anak ni Kame at Erika"

"Ha? Pano? Paliwanag mo nga"

"Mahabamg kwento, basta nakita nya kaming sweet ni Kame. May pinagdadaanan ang bata, simula kasi ng umalis si Kame sa bahay nila lagi na daw naglalasing si Erika at hindi na sya naasikaso. Nagkakilala na kami dati ni Haru pero di ko akalain na si Kazu pala ang tinutukoy nyang daddy. Help me Sza, di ko alam anong gagawin ko"

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Sza bago ito sumagot kay Jeany.

"Jeanysel Concepcion Kamesaki, matagal na tayong magkaibigan, alam kong alam mo kung anong tama at mali. Asawa mo si Kame, at may anak sya. Ayusin nyo muna ang tungkol sa anak nya at kay Erika. Kung maayos nyo yan, wala kayong magiging problema"

"Sza, ayoko ng maghiwalay kami, ayoko ng mawalan ng tatay si Kyohei. Ayoko na"

"Alam ko, kaya nga sinasabi kong ayusin nyo muna diba? Pwede mo namang iwan muna sakin si Kyohei para hindi din sya madamay sa gulo kung sakali. Kilala ko yang bruhang si Erika, sure akong may gagawing masama yan"

"Sana matapos na ang lahat ng 'to, sana din ligtas si Haru"

*Makashti Med

"Doc, kamusta na po ang lagay ng anak ko?"

"Ok na sya Mr. Kamesaki, any moment at magigising na sya."

"Wala po bang magiging komplikasyon ang anak ko kung sakali?"

"Wala naman, mild injuries lang naman ang natamo nya. Pero baka salinan natin sya ng dugo mamaya dahil marami rami din ang nawalang dugo sakanya. Maiwan na kita "

"Sige Doc, salamat"

Matyagang nagbabantay si Kame habang palabas labas naman ng kwarto si Erika. Tila balisang balisa sya at hindi mapirmi.

"Da-ddy" mahinang sambit ni Haru.

"Anak, kamusta na ang pakiramdam mo, may sumasakit ba sayo ha?"

"Wa-wala po. Sorry po daddy"

"Wag ka ng mag sorry anak. Kasalanan naman lahat ni daddy ang nangyayari"

"Daddy, si Tita Jeany ba ang totoong mahal mo?"

Matagal na natahimik si Kame bago sya nakasagot. Huminga muna sya ng malalim.

"Kasal kami ni Jeany anak, nagkahiwalay kami dahil sa mommy mo."

"Iiwan mo na ba talaga kami ni mommy?"

"Kung gusto mo ay isasama kita kila Jeany, mas ok yun, ano sa tingin mo?"

"Iisipin ko po daddy. Matutulog muna ulit ako"

"Sige anak"

Malungkot na nakatingin si Kame kay Haru. Walang humpay ang buntong hininga nya dahil sa sitwasyon ng anak. Naawa sya dahil masyado pa itong bata para pagdaanan ang mga problema. Hinalikan nya ang noo ng anak, saktong dating naman ni Erika.

"Sweet ha?" Sarcastic na sabi nito.

"Tigilan mo ko ha, nagtitimpi ako sayo Erika."

"Bakit ha? Nung misirable ka ako ang tumanggap sayo, ngayong maayos ka iiwan mo ko?"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha? Kasal kami ni Jeany!"

"Wala akong paki! Ano? Iiwan mo nalang ang anak mo ngayon ha?"

"Lalabas muna ako, sumama ang hangin dito" Habang nasa hallway sya ay naisipan nalang nya na magpakuha na lang dugo.

*Blood Center

"Magpapa kuha po sana ako dugo" sabi ni Kame sa nurse.

"Ahh sige sir. Sino pong pasyente nyo dito?"

"Yung anak ko, ang sabi ng Doctor nya baka salinan sya ng dugo, maigi na may handa na kung sakali"

"Ang gwapo nyo pa din no?" Ngiti ng nurse sakanya.

"Salamat nurse Rina" sabi ni Kame habang nakatingin sa nameplate nito.

"Si Koharu po ang anak nyo diba? Yung nasa room 507"

"Oo sya nga. Napaoa station kaba sakanya?"

"Isang beses lang po, type A ang batang yun eh."

"Type A?" Sabi ni Kame ng matapos syang kuhaan ng dugo

"Opo sir."

"Sigurado kaba?"

"Opo. Sige sir, ilalagay ko na to sa loob."

"Sige sige."

Kame's POV

Panong magiging type A si Haru? Type B ako at type O naman si Erika. Alam kong type O sya dahil nasamahan ko na sya sa hospital noon. Panong hindi ko kadugo si Haru?

Litong litong bumalik si Kame sa kwarto ni Haru. Pero may narinig syang pamilyar na boses.

**Room 507

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko, akala ko patay kana?" Balisa nag mukha ni Erika.

"Dinadalaw ko ang anak ko!"

"Anong anak pinag sasabi mo ha? Hindi mo anak si Haru!"

"Wag kang magsinungaling Erika! Akala mo ba hindi ko alam na ako ang ama ni Haru? Kaya ba binalak mo kong ipapatay ha?"

"Anong ipapatay? Wala akong alam sa sinasabi mo!"

"Wag kang mag maang maangan! Alam kong inutos mo na ipapatay ako! Maswerte ako dahil may tumulong sakin, kung hindi. Wala na sana talaga ako."

"Wag mo kong sisihin sa aksidente mo! Wala kang ebidensya!"

"Ang tagal kitang hinanap, kayo ng anak ko, pero ano? Tingnan mo ang nagyari sa bata! Kung ako ang nag aalaga sakanya, walang ganitong mangyayari! Nilamon kana ng ambisyon mo!"

Parang awa mo na, umalis kana bago bumalik si Kame, pinapangako ko na ipapakita ko sayo si Haru pag galing nya."

"Hindi mo ko mauuto, wala nakong pakialam sayo! Ang gusto ko lang ay makita ang anak ko ngayon!" Maluha luhang sabi ni John Lloyd.

"Lumayas kana dito! Wag mong sirain ang buhay ko! Umalis kana! Wag mo nakong guluhin!"

"Sasabihin ko kay Kazuya na ako ang tatay ni Haru!"

"Hindi mo na kailangang sabihin sakin dahil narinig kong lahat!" Malakas na sabi ni Kame.

A/N: hello readers! Nalalapit na talaga ang wakas nitong story na to. Anyways, bday ko po kahapon! Cheers! Read vote and comment po. Salamat <3

My Celebrity HusbandDär berättelser lever. Upptäck nu