mch #44

14.5K 337 77
                                    

WARNING: expect typos at magulong spacing. Sorry po. Sa CP lang ako nag a-update. Work sa gabi, student sa umaga ang lola nyo kaya medyo mabagal mag update. Love you all :)

PS: wag naman po sanang masyadong rude magcomment yung iba. Thanks :)

Fb: facebook.com/edjsunako
        facebook.com/edj.irock

XLIV.

Kame's POV

Isang linggo ng magulo ang buhay ko, buhay namin ni Jeany at kung gusto kong

umayos ang relasyon namin, kailangan ng umalis ni Erika dito. Hindi pwedeng kami ang magaaway dahil sa magulong sitwasyon nato. Isang linggo na simula ng umuwi si Erika dito at araw araw lang silang nag aaway. Oo, kasalanan ko to pero di ko alam kung ano pang tamang gagawin ko. Hays. Tapos na din ang one week leave ni Jeany kaya ay malamang na papasok na sya ngayon. Ako at si Erika lang ang maiiwan ang at awkward nun.

"Shart, papasok kaba sa trabaho ngayon?"

"Oo, ayoko pa sanang pumasok pero kailangan dahil tapos na ang leave ko"

"Diba pwedeng mag extend ka?"

"Hindi na pwede Shart, ayoko talaga yung idea na maiiwan kang may kasamang higad dito pero may tiwala ako sayo, alam kong iiwasan mo sya sa lahat ng oras, tama ba ako dun?"

"Oo naman Shart, wag kang mag alala, hinding hindi ako gagawa ng ikakagalit mo"

"Oh sige, mabuti naman kung ganun, papasok na ako ha?"

"Ok, bye Shart"

~~~~

"Goodmorning boss"

"Oh? Goodmorning din, kamusta kana?"

"Ok naman kahit papano"

"Bakit? May problema ba Jeany?"

"Dun lang naman nakatira ang bruha sa bahay namin"

"Ha,? Bat ka pumayag?"

"Anong magagawa ko, desisyon ni Kame yun, isa pa, muntik ng makunan si Erika dahil sakin"

"F*ck! Anong nangyari?"

"Basta, nawalan ako ng pasensya, naitulak ko sya, nanghina din ako nung nakita kong may umagos na dugo sa hita nya. At yung itsura ni Kame nung nakita nya yun, parang papatayin nya ako kung may nangyaring masama sa magiging baby nila"

"Hays. Bat ba kasi sya yung pinili mo eh. Ang dami namang iba na nagkakagusto sayo, wala kang magiging kaagaw"

"Mahal na mahal ko sya. Alam nyo naman yan diba, kaya kahit nasasaktan na ako, hindi ko sya isusuko sa babaeng yun"

"Hindi ka na masasaktan kung sa-

"Shhhhh. Wag mong ituloy yang sasabihin mo dahil baka maging dahilan yan ng tuluyang pag limot ko na makaibigan tayo"

"Oo na! Hays! Sinasabi ko lang naman eh"

"Alam ko. Basta, pls, suportahan mo muna ako?"

"Oo, pero kapag sinaktan ka nya, wag kang mahiyang lumapit sakin."

"Oo. Salamat ha?"

"Oo naman, ikaw pa ba?"

"Thank you, aalis na ako." Saktong tayo ni Jeany ay bigla syang nahilo

"Ayos ka lang Jeany?"

"Oo, bigla lang akong nahilo"

"Pumunta ka muna ng clinic, baka anemic ka nanaman"

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now