mch #46

13.2K 293 38
                                    

HOY IKAW! NAKAKA BEASTMODE KA, ANO PONG KARAPATAN MONG MAG MURA SA COMMENT HA? ANO YUNG P*TA UPDATE? KUNG DIKA MAKA INTAY SA UD, WAG KA NG MAGBASA.

XLVI.

Author's POV

Kahit papano ay nakaka adjust na si Jeany sa sitwasyon nya. Lagpas isang bwan na din naman simula ng umalis sya sa poder ng asawa. Maaga syang gumigising para ipag luto si Nico. Hinintay nya din ito sa hapunan. Masasabi nyang mabuti si Nico. Bawat oras ay chine-check sya nito kung kamusta sya na kahit minsan ay hindi ginawa ni Kame sakanya. Alam naman nya na mali ang mag kumpara pero hindi nya maiwasan. Sana lang ay kahit konting ka sweetan ay meron sana yun!

Nakakainis! Puro sya nalang ang nasa isip ko. Ganito nalang ba ako? Ganito nalang ha?!

Pagtapos nyang mag muni muni ay humiga muna sya at tiningnan ang cellphone nya,nasa blacklist na ang number ni Kame at ang buong members ng grupo nila, alam ni Jeany na may chance na tumawag ito sa kanya. Hindi naman sa ayaw nyang magpahanap pero naiisip lang nya na sana ay mag effort naman ito.

Maya maya pa ay biglang nag ring ang cellphone nya, unregistered number. Halos marinig nya ang sariling pag tibok ng puso nya. Si Kame kaya? Sya kaya?

Halong excitement at takot ang nararamdaman ni Jeany.

Hello?

Hi Jeany!

Si Erika? Ano nanaman ang kailangan nya?

"Bakit ka tumawag? Anong problema mo?"

"Kakamustahin lang kita, ako kasi ok na ok eh. Ang lambot ng kama, ako ang reyna dito. Salamat at umalis ka na"

"Wala akong pakialam kung masaya kana, dahil masaya na din ako. Magsama kayo sa ilalim ng lupa!"

"Hahahaha! By the way, may picture ako ng mga pinupuntahan nyo ng lalake mo, pag nakita ni Kazu 'to, sa tingin mo anong sasabihin nya ha,?"

"Wala akong paki, bahala ka sa buhay mo! Gawin mo na lahat ng paninira mo, dahil pag lumabas din ang totoo na hindi anak ni Kazuya yang dinadala mo, matatapos din yang ilusyon mo!"

"Bakit, may patunay kaba?"
"Wala! Wala sa ngayon pero lalabas din naman ang totoo, tingnan lng natin kung san ka pupulutin!"

Nakakasira ng araw! Sa dami dami ng tatawag, sya pa! Anong paki ko? Bahala sya magpakita ng picture. Maniniwala yun sakanya, eh mas may tiwala pa sya dun sa bruha na yun kaysa sakin eh.

Hindi napansin na Jeany na tumutulo na pala ang luha nya.

Takte naman! Bat ka nanaman tumutulo? Kalimutan mo na sya, kalimutan mo na sila. Sabi ni Jeany sa isip nya.

Saktong dating naman ni Sza sa bahay ni Nico.

"Sza?"

"Oo ako nga, aba, ano? Walang paramdam? Si Nico na pala ang bestfriend mo ngayon?"

"Sorry Sza, sya lang ang nauna kong na contact. "

"Oo na, oo na. So anong plano mo, ang totoo may package ka eh, dinala ko lang din"

"Galing kanino?"

"Ewan ko, check mo nalang mamaya. So ano na nga ang plano mo?"

"Plano san?"

"Sa baby nyo. May karapatan pa din syang malaman kalagayan mo, galing sya sa bahay ko nung nakaraang araw, sabi ko diko alam kung nasan ka."

"Mabuti na yung wala syang alam. Ayoko na syang makita, ayoko na"

"Seryoso kaba dyan?"

"Oo naman" sabay talikod ni Jeany

"Wag mong pahirapan ang sarili mo, kung hindi mo kaya, puntahan mo sya. Wala naman sa kung sino ang may kasalanan hindi ba?"

"Oo, alam ko, pero gusto ko lang din naman pag pahingahin ang sarili ko sa sakit, masama ba yun?"

Binuksan ni Jeany ang TV na naging dahilan lang ng pagdagdag ng sakit na nararamdaman nya.

TV: Kumakalat ang balita na hiwalay na si Kame at ang kanyang non-showbiz wife. Bilang patunay ay ang mga picture na ito. Kasama ni Kame ang kanyang ex girlfriend, usap usapan din na sya ang ama ng pinagbubuntis nito. Sinubukan namin silang kuhaan ng pahayag ngunit parehas silang tumanggi.

"Sa tingin mo Sza, dapat ko pa ba syang puntahan?"

Hindi na sumagot si Sza, alam nyang sa pagkakataong yon, hindi na nya mapipilit pa si Jeany.

"Hiwalay na daw kami, at take note, talagang pinagkakalandakan nya na din naman yung relasyon nila, wala na akong paki. Hindi nya makikilala ang baby ko, hindi na din nya ako makikita."

"Sorry Jeany." Mahinang sabi ni Sza

"Ok lang no? Syempre, normal naman na gusto mong maayos ang relasyon namin, pero, huli na eh, hindi na kaya, aakyat na muna ako ha?" Nagmamadaling sabi ni Jeany.

Sza's POV

Hindi ko kinakampihan si Kame, ang akin lang sana, ayusin nila hanggang kaya pa. Hindi ko lang din matanggap na nagpapatalo nalang si Jeany sa bruha na yun. Pano nalang nga kung hindi naman kay Kame yung batang yun? Diba?

Umakyat ako sa kwarto na tinutulugan nI Jeany. Kakatok sana ako pero narinig ko yung mga hikbi ni Jeany.

Nasasaktan sya. Mahal pa rin talaga nya si Kame. Pero pano na? Pano na?

~~~
Kamesaki's Residence

"Good morning, Kazu" masayang bati ni Erika kay Kame, pero hindi sya pinansin nito.

"So lalagpasan mo nalang ba ako? Akala ko pa naman interesado ka sa ipapakita ko"

"Ano nanaman ba yun?"

"Nakita mo na ba yung news? Laman tayo ng balita"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Na hiwalay na kayo ni Jeany at nagkabalikan na tayo"

"Ano nanamang ginawa mo ha? Nasisiraan kanaba ng bait?"

Inihagis ni Erika ang mga letrato sa mesa. Nanlaki ang mata ni Kame sa nakita nya. Mga pictures ni Jeany na masayang nakatingin kay Nico. Picture na magkahoding hands na pumunta sa isang ob?

"Anong ibig sabihin nito?"

"Eh di kung ano ang nakikita mo, masaya naman pala sa iba ang asawa mo, bat hinahabol mo pa?"

"Tigilan mo na ko Erika."

"May picture nga na nag punta sila ng ob eh, ang bilis naman nila no?"

Nagdilim ang paningin ni Kame sa sinabi ni Erika at itinuon sya sa pader.

"Ano? Sasaktan mo ko? Kasalanan ko bang hindi kayo nagkaanak at mukhang magkakaanak na sila ng lalake nya?"

"T@ng*na!" Malakas na sigaw ni Kame at tuluyan ng iniwan si Erika sa loob ng bahay.

A/N: sorry, super late ud. Nagkasakit po ako ng bongga. Well, anyways. Enjoy reading po :)

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now