mch #45

15.3K 346 54
                                    

Pasensya napo. Ang tagal ko mag update, kulang po lagi sa tulog. Anyways, enjoy reading po :)

XLV.

Nico's POV

Two days ba ang lumipas simula nung gabing tumawag si Jeany, hindi ko sya makausap, hindi sya nagsasalita. Tumutulo lang ang luha nya.

*Flashback

"Nico."

"Jeany? Anong nangyari sayo. Bat ganyan ang boses mo?"

"Help me. "

"Jean, ok kalang ba ha? Anong nagyari?"

"Help me, yung baby ko Nico."

"Oo, dadalhin kita agad sa hospital, ok? Kumalma ka muna" tumango lang sya at tuluyan ng hinimatay.

Halos malaglag ang puso ko sa kaba ng narinig ko yung salitang help me mula sa kanya. Nanginginig sya. At ng puntahan ko sya, may dugo na yung hita nya.

Dinala ko agad sya sa hospital, hindi ko alam kung gano ko kabilis pinaandar ang kotse ko ang importante ay maligtas ko silang dalawa.  Himala dahil hindi nalaglag ang pinagbubuntis nya. Kahit na ang doktor ay nagulat, samantalang mabilis daw talaga malaglag kapag careless ka ng early stage ng pregnancy.

....

Maaring hindi nga nalaglag ang pinagbubuntis nya pero nagkaron sya ng trauma. Trauma simula nung bata pa sya, ng nasaksihan nya ang mismong pagkamatay ng mga magulang nya sa isang car accident. Kaming dalawa lang ni Sza ang nakakaalam sa bagay na yun. he

Heto, para syang lantang gulay.

"Jeany, papasok na ko sa trabaho, mag aayos lang ako ng gagawin para mag file ng leave. Babalik din agad ako ha?"

Hindi pa din sya sumasagot. Kahit tango, kahit ano ay wala. Ang saklap ng nangyayari sakanya.

~~~
Kamesaki's Residence

"Kame, baka gusto mong kumain?"

"Ayoko, aalis na ako."

"Iniiwasan mo ba ko ha?"

"Ano ba Erika, dahil sayo nasaktan ko si Jeany, sa tingin mo matutuwa ako sayo ha?"

"Bakit kana nag dedeny ha? Nagresponse ka sa halik ko, ibig sabihin lang may feelings kapa din para sakin!"

"Anong pinagsasabi mo? Nadala lang ako, pero hindi ibig sabihin nun na mahal kita"

Paulit ulit sa isip ko yung sinabi ni Jeany. Anong ibig sabihin nya sa "kami" ?  Nalilito ako. Hinabol ko sya pero huli na. Pero ang t@nga ko. Bat ko sya sinaktan!

2days ago.

"Tao po! Tao po!" Sigaw ni Kame

"Sino ka ba? Ang aga aga mong nambubulabog?!" Hindi nakilala ni Sza si Kame dahil balot na balot ito.

"Ako to, Szarina"

"Kazuya? Anong ginagawa mo dito?"

"Pwede bang pumasok muna ako?"

"Sure sure."

...

"So ano nga, bat andito ka?"

"Ang totoo kasi nyan nag away kami kagabi, umalis sya, hindi ko alam kung san sya pumunta"

"Bat nanaman kayo nag away? Akala ko ba ok na kayo?"

"Alam mo naman siguro ang tungkol kay Erika diba, sa hindi sinasadyang pangyayari, nasaktan ko sya kagabi"

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now