mch #64

13.8K 362 41
                                    

Ayaw nyo ko I follow sa IG? So saddd.
Follow me : edjsunako

As promised, may ud ako ulit :)
Hi sa mga silent readers dyan!:)

LXIV.

*Howlington Jail.

"Smith! May dalaw ka!"

Masama ang tingin ni Erika sa pulis na tumawag sakanya, parang may pakiramdam na sya kung sino ang dumalaw sakanya.

"Hi." Bati ni Lola Claire kay Erika

"Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko lang makita ang itsura mo. Bagay ka pala dito no?"

"Kung wala kayong sasabihin na maganda papasok na ko ulit sa loob"

"Kukunin ko ang anak mo" Bumilis ang tibok ng puso ni Erika dahil sa sinabi ng matanda, alam nyang may binabalak itong masama.

"Wag nyong idamay ang anak ko dito"

"Hyp*crite!" Sabay sampal ni Lola Claire. "Bakit ang apo ko dinamay mo? Hindi ba at tama lang na ganun din ang gawin ko?"

"Ano pa bang gusto nyo? Andito na ko sa kulungan, ano pa bang gusto nyo?"

"Isa lang, ang mabulok ka dito. Sya nga pala, pupunta ang mga magulang mo sa mansyon ko mamaya"

"Sila mama at papa? Anong gagawin nila sa bahay nyo?"

"Who knows? Baka luluhod, para iurong namin ang demanda sayo." Pagtapos sabihin ni Lola Claire yun ay tumayo na ito.

"Teka! Lola Claire! "

"This is what you deserve, Erika."

Naiwang nakatulala si Erika sa kawalan, hindi nya lubos maisip kung pano nya nakalimutan ang sariling anak, pati ang mga magulang nya ay magdurusa ng dahil sakanya.

*Kamesaki's Residence

"Bakit nyo po ako pinapunta dito?"

"Ayaw mo bang marinig kung ano ang mga sasabihin ko sa magulang ni Erika?"

"Alam kong malaki ang hihingiin kong pabor, pero baka pwedeng iurong nyo na ang demanda sakanya" mahinang sabi ni JL kay Lola Claire.

"You're asking for too much, may trauma ang apo ako at hindi pa stable si Jeany ngayon, sa tingin mo ba iuurong ko ang demanda sakanya?"

"Naawa po kasi ako sa anak namin"

Sasagot na sana si Lola Claire pero dumating na ang magulang ni Erika.

Malugod naman silang tinanggap ng matanda at pinaupo.

"JL?" Gulat na tanong ni Mrs. Ana Shimizu

"Ahh, inimbita ko din sya dito"

"Bakit? Ano bang nangyari kay Erika?"

"Alam kong matagal kayong nawala sa bansa kaya hindi nyo alam ang ginagawa ng anak nyo."

Naglabas si Lola Claire ng mga pictures, at may ipinanuod pang video sa magulang ni Erika. Labis ang gulat ng mag asawa dahil sa natuklasan nila.

"Alam kong inakala nyo na si Kazuya ang nakabuntis sakanya. Pero si JL ang totoong ama ng batang si Haru."

Sa galit ay binalak na suntukin ng tatay ni Erika si JL, pero naiwasan nya ito.

"Tarantad* ka! Bat hindi mo pinandigan ang anak namin ha?!"

"Si Erika po ang may ayaw, binalak nya pa akong patayin ng sinabi ko noon na ako ang ama ng pinagbubuntis nya. " lihis tingin na pag amin ni JL.

"Anong sinasabi mo?"

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now