mch #22

17.1K 429 5
                                    


WARNING. WARNING: MEDYO MALANDI ANG UD KO. HAHAHA. KAWAY KAWAY MGA READERS, :)

XXII.

"Jeany, aalis na ako."

"Ha? Nanaginip ba ako? Bakit mo ko kinakausap?"

Kinusut kusot pa ni Jeany ang mata nya. Ganun pa din ang resulta, si Kame pa din ang nakikita nya.

"Ano bang ginagawa mo? Nagpapa alam ako, aalis na ako, may taping pa ako."

"Ba't mo pa sinasabi yan? Oh sya sige, mag ingat ka."

Tindi ng lalaking to, akala mo wala syang sinabing masama sakin kagabi, parang walang nangyari.

"Thanks, sige matulog ka na ulit"

"Aalis nga pala ako ngayon"

"San naman ang punta mo?"

"Sa isang agency, gusto ko ng magrabaho, ok lang naman siguro diba?"

Biglang nagdilim ang aura ng mukha ni Kame.

"Ikaw ang bahala kung yan ang gusto mo, sige bye."

Jerk! Nakaka inis ka, ang aga aga mong mang inis, sasabihin na ako ang bahala pero di naman maipinta ang mukha.

~~~~

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, andito ako sa loob ng SAM Agency, bluff lang naman sana na pupunta ako dito pero eto, nag fi-fill up na ko ng form ako ng kontrata. Ano bang pumasok sa isip ko?

"As I was saying earlier, hindi kayo magsisisi sa pag payag na maging talent namin, ahm, Mrs. Kamesaki."

"Pwede ba akong mag request?"

Bahagyang nabigla ang talent manager na kausap ko. Hindi ako mag aadvance ng sweldo! Grabe to.

"Pwede bang Jean Concepcion na.lang? Parang.ang awkward kung Kamesaki ang gagamitin kong screen name."

"Ok, walang problema, and-

Nahinto ang sasabihin ni Manager Sy ng biglang pumasok ang isang tauhan nya at may ibinulong sakanya.

"Pano nangyari yun? Hindi ba.pinagbawalan na natin sya mag inom ng alak?" Iritableng sabi ni Ms Sy.

"Yes ma'am, pero mukhang hindi nya tayo sinunod, lahat ng model natin ay nasa out of town, sinong ipapalit natin?"

Parang bigla akong kinabahan, nakatingin sakin si Ms. Sy, at.para bang may iniisip sya.

"May solusyon na tayo Kim, si Ms. Concepcion, sya ang ipapalit natin."

"Ha? Ako po? Akala ko po hahanapan nyo pa ako ng slot?"

"Yun sana talaga ang plano, but it is urgent, sikat ang magiging partner mo, hindi pwedeng wala kaming ipadala ASAP."

"Pero hindi pa po ako ready, baka po magkalat ako dun."

"Hindi ka magkakalat, sige Kim, dalhin mo na sya sa Biozkin."

Jeany's Pov

Wala na akong nasabi pa, the next.thing I know, nasa sasakyan na kami papuntang shooting. Mabilisan ang nangyari, dinala ako sa Biozkin, nagpa bodyscrub, facial, nag pa wax at kung anu ano pa in two hours. Swerte pa daw kami dahil pumayag ang magiging partner ko na malate kami kahit sikat itong artista, lalo tuloy akong kinabahan. Parang nahilo din ako sa bilis ng pangyayari, first time ko gawin ang lahat ng mga yun, lalo na yung mag pa wax, takte, napaka sakit. Bat kailangan ko magpa wax hindi naman ako balbon.

"Kim, san ba ang shooting?"

"Sa isang resort sa cavite."

"Re-re-resort?"

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now