mch #3

24K 645 7
                                    

thanks @ LondonGirlDanica  sa pag fan sakin, dedicated to sayo :))

#3

Jeany's POV

Sa dami ng nag audition, pasok ako. Grabe, para na talaga akong nanalo sa lotto. Buti napigilan ko ang tumili kanina, ay bakit ang pogi nilang lahat? Pero iba talaga si Kazuya, yung lahat sa kanya. Ay puhhsa, demigod ata yun eh, perfect lahat, pati boses, nakaka akit na. Kaso nga lang, hindi na nya ako natatandaan. Hindi ko naman sya masisisi, sa dami ng fans nya eh, isa pa, 2 years ago pa yun, teen ager pa ko, eh ngayon? Teen ager pa din syempre. Twenteen one. Hahaha.

~~~~

Pasok ako sa audition!!!!!!!!!!!!!!!! Sigaw ni Jeany habang paikot ikot sa sala.

"Takte, Jean, ang lakas ng boses mo, baka marinig tayo ng mga kapit bahay eh"

"I don't care, ang saya ko talaga." *smile*

"Oo na, ikaw na masaya"

"Haha, ang hot talaga nya."

"Oo, ten thousand times ko na narining yan eh. Eh teka, natandaan ka ba nya?"

"Hindi eh, pero ok lang yun, sa dami ng fans nya pano nya ako matatandaan."

"Ahh, eh anong pinagawa nila sayo?"

"Pina kanta at pina sayaw, madali lang."

"Marami ba ang nag audition?"

"Oo no, hindi ko alam kung ilan pero feeling ko madami, pang 67 ako, buti nalang mabilis ako."

"Pano, nauto mo nanaman si Nico eh" natatawa pang sabi ni Sza.

"Haha, tama ka dyan, ang bait lang talaga sakin nun."

"Oo nga, kahit basted sya sayo."

"Haha, wag mo na ngang ipaalala yan sakin."

"Sus eh totoo naman eh diba?"

"Oo nga, tsaka wala pa kong panahon dyan, ilang beses ko na bang sinabi yan sayo."

"Si Kazuya Kamesaki lang ang mahal ko" sabay na sinabi ng dalawa

"Haha, oh ano ka, memorize ko na din yan. "

"Oo nga, haha."

Ang sarap pa ng kwentuhan ng dalawa ng may nagtext kay Sza.

From: Nico

Sza, punta kayo Gerry's Grill sa bacoor, ASAP

"Sino yang nagtext?"  Tanong ni Jeany.

"Eh di ang boss mo." Nakangiting sagot ni Sza.

"Bakit daw?"

"Punta daw tayong Gerry's Grill eh"

"Now na?"

"oo."

"bakit daw?"

"Ewan ko, asap pa nga eh"

"Ano na naman kaya ang trip nun?"

"Ewan. Mag aayos na ko ha."

"Sige, ok, mag aayos lang din ako."

After 20mins

*Gerry's Grill*

"Hoy Nico, ano nanamang drama mo? Grabe ahh, pinapunta mo pa kame dito" Ang lakas ng pagkakasabi ni Jeany.

Bigla syang siniko ni Sza.

Nagulat na lang ako, may chicks pala si Nico,

kakahiya talaga bunganga ko. -_________-  sabi ni Jeany sa isip nya.

"Sensya na kayo kay Jeany, natatanga nanaman eh." Sabi ni Sza.

"Its ok, right honey? Tanong ni Nico sa kasama nyang babae.

"Yes honey" *smile*

"Upo na kayong dalawa" Sabi ni Nico.

Umupo naman kami ni Sza. Medyo nailang ako, teng ene kasing bunganga to.

After 5 mins ng katahimikan, nagsalita na din si Nico.

"Guys, nga pala, meet my girl, Kaye."

"Hi kaye!" Sabi naming dalawa ni Sza.

"Kaye, si Jean at Sza nga pala, mga kaibigan ko sila."

"Hi, thank you sa pag aasikaso kay Nico"

Si Sza ang sumagot.

"Ay naku, wala yun, mabait naman yang si Nico eh, college days pa."

Ngumiti lang si Kaye.

"Tara order na tayo" Sabi ni Nico.

"Ikaw Jean, pano mo nakilala si Nico?" Tanong ni Kaye.

"Ahh, boss ko sya." *smile*

"Ahh talaga?"

"Yeah, mag one year na ko sa work ko, mabait na boss yan si Nico."

Feeling ko rebound lang tong si kaye eh.

"Tingin ko nga din, teka wala ba syang nililigawan na iba?"

Biglang nasamid si Jeany.

Ehem. Ehem. Ehem.

"Ok ka lang teh?" Tanong ni Sza sa kanya na pinipigilan ang pag tawa.

Napatingin din sa kanila si Nico

"Oo, sorry, Kaye. Wala namang pinopormahan yan si Nico."

"Oo nga honey, mabait ako" *smile*

Sakit sa mata nitong dalawang to, ang sweet, malapit ng langgamin, hayip. Bakit ba ako nagrereact? Inggitera ka nanaman Jeany.

Sza' POV

Grabe, kagulat si Nico, may jowa na, hello? At honey pa ang tawagan,mukhang ok naman si Kaye. Maganda si Kaye, kamukha sya ni Bea Alonzo, yung bida dun sa One More Chance na movie. Iba na talaga pag pogi at mayaman eh. Sayang eh, si Jeany sana yung gf nya, etong friend ko kasi, dameng alam. Tawang tawa pa ako sa reaksyon nya ng tanungin sya ni Kaye eh, nasamid si gaga, sa tingin ko naman hindi yun binigyan ng meaning ni Kaye yun. After one hour, hinatid na din kami ni Nico sa bahay, nagkukumahog kasi si Jeany, nagtext daw ang coordinator ng contest, ayun na aligaga na nanaman.

~~~~~

"Sza, kailangan na nating umalis."

"Why oh why?" Pagtatakang tanong ni Sza.

"Eh, nagtext kasi yung coor nung contest eh, kailangan kong pumunta dun bukas ng maaga"

Eh?

"Anong eh? Kailangan ko ng beauty rest, Tara na

"Bakit uuwi na kayo?" Tanong ni Kaye

"May contest kasing sinalihan yang gagang yan." Tatawa tawang sabi ni Sza

"Sorry talaga, kailangan na naming umalis "

"Ok lang Jean" sabi naman ni Nico.

"Boss, night shift na lang ako bukas ha?" Nakangiting sabi ni Jeany.

"Sige sige, baka umiyak ka pag di kita pinayagan eh."

"Haha, sige Kaye, Nico, una na kami" Paalam ni Sza.

 *the next day*

[ HELLO. VOTE AND COMMENT MUNA KAYO BAGO KO I –UPLOAD YUNG SUNOD KONG UPDATE. Hehe. Pls, vote and comment po XD. Ty. ]

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now