mch #55

17.1K 366 55
                                    

Ang rude mag comment nung isang reader. Nakakapikon. Una sa lahat free po ito, hobby at for fun lang kaya ko ginawa, kung naiinip ka eh di gumawa ka ng sarili mo!

FOLLOW ME ON IG: EDJSUNAKO

LV.

Jeany's POV

Maganda lagi ang benta ng Pastry Love, kaya nakaka tanggap ako ng incentives, napaka bait sakin ng may ari, si Mrs. Rosales, ang sabi nya naghahanap na din daw talaga sya ng pagbebentahan ng Shop dahil nagbabalak na syang tumira sa Canada kasama ang anak nya. Kung sana lang ang may pera na ako ngayon ako na ang bibili, sana wag muna may bumili.

Maganda ang pakiramdam ko ngayong araw na to, hindi ko alam kung ano ang dahilan pero mas mabuti yung ganitong pakiramdam kaysa naman parang may prisensya ng masamang hangin.

Maagang naubos ang laman ng shop kaya nagpasya akong maagang pumunta sa school ni Kyohei. Naghihintay ako sa labas ng gate ng may makita akong batang lalake na umiiyak.

"Ok ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"

Hindi sumagot ang bata, nagpunas lang ng luha at tumingin sakin ng derecho bago ayka tumungo ulit.

"Eto oh, cupcake, masarap yan"

"Thank you po." Tinanggap nya ang cupcake na bigay ko at nagsalita.

"Hindi napo kasi nauwi sa bahay namin ang daddy ko, ang mommy ko naman ay ayaw po sa akin."

"Ha? Bakit? Nag away ba sila?"

"Lagi naman po silang nag aaway, ang sabi ng mommy ko iniwan na nya kami, wala po akong maka usap sa bahay namin, puro maids lang ang tao dun."

"Ahh ganun ba? Sino ang naghahatid sayo dito?"

"Yung driver po namin, mamaya susunduin na din nila ako, sigurado wala nanaman si mommy"

"Siguro nagdadamdam pa angdin mommy mo, ilang araw lang babalik din yan sa ayos. Magdasal ka lang lagi ha?"

"Sana nga po, salamat po. Ano nga pong pangalan nyo?"

"Jeany, ikaw?"

"Koharu po"

"Mommy!" Malakas na sigaw ni Kyohei, habang papalapit sa akin.

Humahangos pa ito bago ako tuluyang malapitan.

"Mommy, sino sya?"

"Sya si Koharu anak."

"Hi Koharu! Ako si Kyohei"

"Hello!"

"Oh pano, maiwan ka nanamin ha? Sa susunod nalang tayo magkwentuhan, bye bye"

"Sige po. Salamat po!"

~~~

"Blk 20, lt 4, tama. Ito yung address ng nagpapaupa kay Jeany"

Nag door bell si Kame at agad din namang lumabas ang may ari ng bahay.

"Good afternoon po, kayo po ba ang may ari ng paupahan sa Blk19?"

Hindi agad nakapag salita ang Landlady, bagkus ay napatili ito.

"Diba artista ka? Naku, napaka gwapo mo naman pala sa personal."

"Ay ganun po ba? Salamat po"

"Pwede bang mag pa autograph?"

"Opo pwede, kaso yung tanong ko po, kayo po ba ang may ari nun?"

"Oo, bakit? Gusto mo din bang umupa? Kaso puno na yung tatlong pinto dun eh"

"Hindi po, gusto ko po sana humingi ng duplicate dun sa pangatlong pinto"

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now