mch #54

15.4K 302 36
                                    

LIV.

Jeany's POV

"Jeany!" Bigla nya akong niyakap ng mahigpit, wala akong magawa. Kahit gusto kong magpumiglas hindi nakikisama ang reflexes ko. Ang totoo, makita ko palang sya, parang nawala na ang lahat ng galit ko, ng sama ng loob ko, alam kong mali yun pero tinatraydor ako ng sarili ko. Dahil kahit gano na katagal, sya pa din, sya pa din talaga at yun ang nakakainis.

"Anong nangyari sayo? Bakit kaba umalis?"

"Mommy? Kilala mo si sir?"

"Mommy? Anak mo sya? Anak ba natin sya Jeany? Sumagot ka, pls."

"O-o. Sya nga"

Biglang kinarga ni Kame si Kyohei.

"Ang laki laki mo na anak, ako ang daddy mo" tumutulo pa ang luha nya habang karga nya si Kyohei.

"Daddy?"

Ang ganda ng ngiti ng anak ko, gusto ko syang kunin kay Kame kaso pano ko sya kukunin kung ang saya saya nya? Hinalikan pa nya si Kame sa cheeks.

"Ang pogi pogi mo naman anak, manang mana ka sa akin. "

"Talaga daddy? Ang saya ko naman po, buti nakita na kita sabi kasi ni mommy dati nasa heaven kana yun pala nandito ka lang sa Pilipinas"

Bahagyang napatingin sakin si Kame, nahiya naman ako dahil sa pinagsasabi ng madaldal kong anak. Pero kailangan ko na syang ilayo kay Kame, masasaktan lang ang anak ko dahil hindi naman kami magiging buong pamilya.

"Kyo, alika na dito, uuwi na tayo"

"Baka pwede ko kayong ihatid?"

"Hindi na, kaya na namin umuwi"

"Mommy, hayaan mo na si daddy, please, gusto ko sya isama sa bahay natin"

Hays, ang anak ko talaga. Wala na akong lusot, pagtapos kong ayusin at isarado ang pastry shop ay pumayag na akong ihatid kami ni Kame. Hindi naman malayo ang tinitirhan namin ni Kyohei, wala pang 30 minutes ang byahe kahit mag commute man.

~~~

"Tuloy ka" mahinang sabi ko sakanya. Alam ko namang maliit itong inuupahan namin pero maayos naman.

"Salamat. Kailan ka pa pala umuwi ng Pinas?"

"Mga two weeks na siguro, hindi na sana ako babalik ang kaso ay kailangan lang"

"Ganun ba?"

"Oo. Bat pala sumama ka dito? Baka hanapin ka ng mag ina mo" napakagat ako sa labi ko. Parang may kung ano tumutusok sa puso ko. Hays.

"Wag na natin syang pag usapan. Ang gusto ko lang naman malaman ay kung bakit ka nagsinungaling sakin. Kung sinabi mo lang sana na buntis ka, hindi sana tayo umabot sa ganito."

"Kung sinabi ko? Kung nakuntento kalang sana saakin hindi naman mangyayari to diba?"

"Mommy, daddy nag aaway ba kayo?" Nahihimagan kong paiyak na si Kyohei, hays, ano ba kasing iniisip ko at nakikipagtalo ako sakanya.

"Hindi anak, nag uusap lang kami ng daddy mo, umakyat ka muna sa kwarto, ok?"

"O-ok po"

~~~

"Jeany"

"Oh? Bakit dika pa umuwi?"

"Pwede ko bang dalawin si Kyohei?"

"Oo sige, hindi ko naman ipag kakait sayo yun, mukhang gusto ka din naman nya"

"Salamat"

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now