mch #37

15.1K 345 24
                                    

XXXVII.

Hindi ako nakatulog ng ayos, hindi ko malaman kung bakit hindi ako matahimik. Maaga akong nagising pero nakahiga lang naman ako. Bakit ba kasi ako natatakot magtanong sakanya, karapatan ko naman yun diba, naloloka na ako. Relax Jeany, Relax!

~~~

Namulat ako ng wala na sa tabi ko si Jeany, napansin ko agad yung polo ko. F*ck! May lipstick! F*ck! F*ck! Nakita to ni Jeany, ano bang kab*bohan yung pinag gagawa ko kagabi! Mabuti pa bumaba nalang din ako, malamang nagluto na yun.

"Shart! Shart!"

"Yes, Kazu?"

"Goodmorning wifey! Ang aga mo naman gumising?"

"Oo eh, excited akong ipaghanda ka ng almusal, na miss kasi kita" hays, Kazu.

"Wow, ang sweet naman ng asawa ko, swerte ko talaga sayo." Sh*t! Nagi guilty ako. Bat hindi nya ako tinatanong?

Tahimik kaming nag almusal, alam kong may iba kay Jeany, mabilis lang kaming kumain at naghuhugas na sya ng plato. Hindi ko maiwasang hindi sya sulyapan, hindi ba nya tinatanong dahil wala lang sakanya oh ano?

"Ahh. Kazu, maaga akong papasok"

Maagang papasok, para ano? Magkita agad sila ng Nico nya? T*ngina! Nagpapanting ang tenga ko!

"Bakit maaga kang papasok?

"Ha? Wala lang, para maaga din makauwi"

"Maaga makauwi o maagang makita si Nico?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Wala!" Sigaw na sagot ni

"Wag ka namang sumigaw, pls, ano bang problema?"

"Ikaw! Kaya ka maaga papasok para makipag landian kay Nico diba?!"

"Ha? San mo naman napulot yang idea mo na yan ha?"

"Dito!" Sabay bigay nya sakin ng cp nya, may picture namin ni Nico pero wala naman kaming ginagawang masama sa mga oras na yun eh! Alam ko dahil yun ang totoo! Pinag mukha lang na meron dahil sa anggulo.

"Wala yan! Nag uusap lang kami. Mukhang umanggulo lang kaya ganyan eh, dahil lang ba dyan kaya ka umuwi ng madaling araw na at may baon pang lipstick sa polo? Ha?"

"Ano? Ano yang picture na yan, imbento lang ha?"

"Wala akong sinabing ganyan! Ang akin lang, pinalabas lang sa kuha ng picture na parang sweet kami, for god's sake Kame! Kung lolokohin lang pala kita bakit hindi pa noon?" Hindi na nagsalita si Kame.

"Ganyan lang ba talaga ang tingin mo sakin? Ganyan ba kababaw yung pagkakakilala mo sakin at agad agad kang naniniwala?"

Hindi pa din umiimik si Kame. Gusto ko syang sampalin, pero hindi ko kayang gawin. Ano ba tong lalaking to?!

Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumawag sakin na unregistered number.

Pagka on ko, napa wow nalang talaga ako sa nakita ko. Video call, at ang laman ng video? Isang video na pine-play sa cp. May dalawang naghahalikan at sino sila? Ang asawa ko at hindi ko kilalang babae.

Ang galing! Ang galing talaga!

"So ito yung ginawa mo kagabi? Eto yung polo na suot mo nung umuwi ka eh. Ang galing ha!"

"Shart, let me explain-."

"No. Bakit, hiningi ko ba ang paliwanag mo? So ganito pala no? Kung may malalaman ka, hindi ka magtatanong, gagawa ka ng mga aksyon na hindi tama dahil sa nabigla ka. Kilala mo naman siguro ako kahit papano, mahal kita, noon pa. Ikaw lang at wala ng iba. Excuse me, maliligo na ako."

Badtrip! Ganyan sya, ha? Ganyan sya! Ang sakit! Hindi pa nga sya sigurado, ginantihan na nya agad ako. Unfair masyado tong si Kame. Napaka unfair!

Hindi ko na napigilan yung luha ko, bakit naman ganito? Ang lakas maka aura ng shower namin, hays. Ayoko ng mag emo pero tuloy tuloy din ang pag agos ng luha ko. Para akong nahihilo, nasobrahan ba ang pagpihit ko sa heater? Oh baka dahil sa pag iyak ko. Sana pag tapos kong maligo ay tapos na din tong nararamdaman ko-

"Jean! Jean!"

Ha? May tumatawag ba sakin? Ang sakit talaga ng ulo ko.

"Shart! Shart! Buksan mo 'tong pinto, ang tagal mo na dyan, ano bang ginagawa mo? Jeany!"

Anong nangyayari? Bat nya ako tinatawag? Hindi ko maimulat ang mata ko. Aray, ang sakit talaga ng ulo ko.

"Sisirain ko na ang pintuan!"

Matapos kong marinig yun, tuluyan na akong nakatulog. Ang sunod ko nalang na nakita ay ito, andito ako sa guest room sa baba, at nakapang tulog. Pantulog? Hala!

Sa gulat ko ay napa bangon akong bigla.

"Shart! Dahan dahan, ano bang nangyari sayo?"

"Ha? Teka, late na ako, mamaya na tayo mag usap"

"Hindi ka pwedeng pumasok sa trabaho Mrs. Kamesaki."

"Ha? Bakit may doctor dito?"

"Ok na po ba ang lahat doc?"

"Yes sir, pagpahingahin nyo lang sya at 1week nyo pong ipainom ang gamot nya, una na po ako."

"Sige po, salamat."

Putek, ano ba to? Ayaw akong kausapin ng ayos. Nakaka badtrip!

"Ano? Hindi ka ba magsasalita? Bakit may doctor dito?"

"Ang tagal mo sa cr kanina kaya sinira ko na ang pinto, nahimatay ka"

"Ha? Bakit daw? Anong nangyari? Ma coconfine ba ako? Sumobra ata ang pihit ko sa heater natin kaya ako nahilo"

"Hindi, anemic ka daw Shart, wag kana kasi magpuyat, wag mo na akong intayin kapag malayo ang show namin."

"Hindi na talaga, malay ko ba kung baka may ginagawa kang iba, nasayang lang effort ko diba." Sarcastic na sagot ko. Ano ha? Ano?!!

"Alam ko nagkamali ako. Oo, nagpadalos dalos ako, hindi muna nagtanong at tama ka, gumawa agad ako ng aksyon na mali. Sorry, tao lang ako, nagkakamali. Sorry, pls, Jeany? Mahal na mahal kita, sorry. Patawarin mo na ako, pls?"

Luluhod pa sana sya, kaso pinigilan ko na, hays. Oo na, hindi ko matiis, naiinis ako pero ayoko na lumuhod sya dahil sa ganun lang.

"Wag ka ng lumuhod, ok? Hindi kailangan"

"Sige na Shart, patawarin mo nanaman ako, pls?"

"Oo na, tumayo ka na dyan."

"Sorry shart, ang totoo nyan, akala ko talaga may affair kayo ni Nico, alam ko namang dimo magagawa yun, kaso, nagpadalos dalos ako. Sorry shart, sorry."

"Oo na, oo na, basta wag na sana maulit ok? Tanungin mo muna ako, sasagutin kita ng totoo"

"Iloveyou, Jeany"

"Iloveyou too"

"Sige shart, pahinga kana, ako ng bahala mag asikaso sa bahay at sayo. Iloveyou Jeany Kamesaki "

A/N: hello mga readers, sorry po, matagal talaga akong mag ud. Busy po sa work. Pls vote and comment po ha ? Thank you :) <3

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now