mch # 31

14.9K 317 3
                                    

XXXİ.

Kame's POV

Ewan ko ba, parang ang lakas ng topak ko ngayon, hinayaan ko nanaman syang matulog na masama ang loob sakin. Hindi ko kasi maintindihan bakit ganito ang inaasal ko. Nagagalit ako at kay Jeany ko tinutuon.

Mahimbing na ang tulog nya. Mukhang maaliwalas, 3am na pero hindi pa din ako makatulog, nagi-guilty siguro ako.

*kinabukasan.

Bakit hindi ko mahawakan si Jeany? Nasan sya? Pagbangon ko, nakita kong wala sya, kinabahan ako kaya binuksan ko agad ang cabinet namin, andun pa din ang mga damit nya. Nakahinga ako ng maluwag. Habang pababa ako ng hagdan,

Parang may naririnig akong kumakanta sa kusina, si Jeany kaya yun?

"Hi Shart! Goodmorning!" Nakangiting bati sakin ni Jeany. Hays, ang ganda ng umaga ko.

"Goodmorning din, sorry shart."

"Ha? Yung kahapon ba? Ok na yun, wala na yun basta ok na tayo ngayon ha? Maupo kana dyan, ipaghahanda kita"

T@nga ko no? Hindi ko alam bakit ko sinasaktan 'tong babaeng to. Ang swerte ko diba? Ang bait bait nya sakin at mahal na mahal nya ako. Dahil kung hindi, hindi ganto kahaba ang pasensya nya sa akin.

"Sorry Jeany, sorry, nagseselos kasi ako, sorry. Hindi ako sanay sa ganung pakiramdam kaya di ko alan kung pano ako gagalaw sa harap mo, sorry shart" sabi ko kay Jeany habang nakayakap ako sa likod nya. Hinalikan ko sya sa batok, nakita kong kinilabutan sya, ang sensitive nya.

"Luh! Ano ba yan Shart nagulat naman ako sayo, ok na yun, naiintindihan ko naman kaya kalma lang"

Jeany's POV

Jusko, ang puso ko, parang nalaglag. Bakit nya ako hinalikan si batok? Parang ewan sa pakiramdam eh.  Ayoko sana syang kausapin, ayoko sana syang pansinin pero sa twing maiisip ko na sayang ang araw at oras kung hindi lang kami magpapansinan, ok lang na ibaba ang pride. Hays, ewan ko ba. Ganyan ko sya kamahal eh.

"Kain na tayo Shart, may pasok pa kasi ako"

"Papasok ka?" Parang iriitable ang tono ng boses ni Kame. Hays.

"Oo, pero gusto mo ba wag na muna akong magtrabaho ulit?"

"Ha?"

"Ok lang na magresign na ako, dito nalang muna ako sa bahay, gusto mo PA mo nalang ako. Ano sa tingin mo shart?" Ayoko sana magresign, kaso kung hindi naman mapapanatag ang loob ni Kame, mabuti pa gawin ko na.

"No, i mean, wag kana mag resign, naiintindihan ko naman na magkaibigan lang kayo. Nababaliw lang ako kaya nagiging childish ako. İm scared that you might fall in love him. İ love you, i love you so much Jeany" Hinalikan nya ang kamay ko pagkatapos nyang nag i love you. Oh diba. Ang sweet nya ngayon, bumabawi talaga.

"Hindi ko alam kung ilang beses kong dapat sabihin to, pero kahit siguro habang buhay kong sabihin hindi ako mapapagod. Mahal kita. Mahal na mahal kita."

"Alam ko. Thank you talaga shart. Kain na tayo?"

"Tara"

Sa wakas ok na kami, hinatid at sinundo nya ako sa trabaho, pero pag uwi ko, may mga nakita akong di ko inaasahan. Parang malalaglag puso ko.

A/N: ayierr. Sorry ang short lang ng ud. Abang nalang sa next chap, promise, maganda

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now