mch #51

13.5K 309 34
                                    

LI.

*5 years before

"San ka galing?" Tanong ni Erika kay Kazu

"Wala kang paki, alam mo, dahil sayo kaya naghiwalay kami ni Jeany eh"

"Bat mo ko sinsisisi ha? Kasalanan ko ba ha? Wala ka ng magagawa, tayong dalawa na ang magsasama."

"Hinding hindi kita namahalin katulad ng pagmamahal ko kay Jeany"

"Ok lang, wala ka pa din namang choice eh, ako ang kasama mo ngayon at ako pa din hanggang sa dulo"

"Mababaliw na ako ang dahil sayo"

"Ano bang problema mo ha? Magkaka anak na sila nung Nico na yun, sa tingin mo ba magkakabalikan pa kayo?"

"Tumahimik ka na ha! Tumahimik ka na!"

Paakyat na sana si Erika ng bigla syang napahinto sa paghakbang at namutla si Erika.

"Ka-Kazu, pumutok na ata ang panubigan ko"

"Ha? Ano? Tara, dadalhin na kita sa ospital"

~~~

Kame's POV

Nasa Makashti Med kami ngayon, kasalukuyang nasa delivery room si Erika. Nangangak na sya. Si Jeany pa din ang naiisip ko. Sya pa din. Ilang oras lang ang lumipas at lumabas na ang doctor.

"Congratulations Mr. Kamesaki, nasa misi nyo na po ang baby boy ninyo."

"Sige doc, salamat po"

Masaya naman ako, pero dahil hindi si Jeany ang nanay ng anak ko kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.

"Kazu, tingnan mo ang anak natin oh"

"Natutulog na sya?"

"Oo, anong ipapangalan natin?"

"Ikaw na ang bahalang mag isip"

"Sige, sya si Kazuka Kamesaki, ang ganda no?"

"Oo, maganda nga, akin na ang baby, dadalhin ko muna sa nursery, magpahinga ka muna"

"Ok, sige"

Cute ang baby, kaso hindi ko makita kung kamukha ko ba sya, parang hindi kasi sya singkit pero ok lang din yun, ang importante ay ligtas silang dalawa.

Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o masaktan. Si Jeany may anak kay Nico at ako naman kay Erika. Siguro ay dapat na din akong sumuko, dapat siguro ay si Erika at ang baby na muna ang asikasuhin ko.

~~~

*Present time

"Sa Max's nalang tayo kumain"

"Oo sige, ikaw princess, san mo ba gusto?"

"Kahit san po basta kasama kayo ni mommy"

"Ang bait talaga ng anak ko. "

"Syempre po daddy"

Masayang naglalakad sila Nico at Sza kasama ang anak nila ng nakasalubong nila si Kazu.

"Nico, Sza? Anong ibig nito?"

"Ka-kame?"

"Tara na Sza, hindi natin kailangang magpaliwanag sakanya."

Biglang hinigit ni Kame si Nico

"Ipaliwanag mo kung anong ibig sabihin nito, nasan si Jeany? Hindi ko na sya hinanap dahil akala ko maayos kayo, bakit si Sza ang ka holding hands mo ha?"

"Mommy, anong ginagawa nya kay daddy? Sino ba sya?" Nanginginig ang boses na tanong ni Crystal, anak nila Nico at Sza.

"Mommy, daddy?" Lalong nagtaka si Kame sa nangyayari.

"Mag asawa kami ni Nico, at ito ang anak namin, si Crystal."

"Pano nangyari yun? Hindi ba anak mo ang dinadala ni Jeany? Anong nangyari sakanya, nasan na sya?"

"Hindi din namin alam, 2016 pa nung huli namin syang nakita." Paliwanag ni Sza

"Akala ko ba bestfriend ka nya, bakit mo naging asawa ang lalaking nakabuntis sakanya?"

"Anong pinagsasabi mo? Kahit kailan ay walang nangyari samin ni Jeany. Nung gabing nag away kayo ay sinaktan mI sua, buntis na sya nun"

"Ano? Bat hindi nya sinabi sakin?"

"Pano nya sasabihin kung busy ka kay Erika. Nung umalis sya, naabutan kong duguan ang hita nya, akala ko nga kung anong nangyari, mabuti at hindi nalaglag ang bata." Sabi pa ni Nico

"Teka, totoo ba yang sinasabi mo? "

"Oo, totoo yan lahat, mahal na mahal ka ni Jeany kaya sya na ang nagparaya, ngayon, wag mong isisi samin kung bakit sya nawala dahil lahat yun ay kasalanan mo"

"Hindi nyo ba talaga alam kung nasan sya? "

"Hindi talaga, 5 years na kaming walang contact, text, tawag, facebook, email. Lahat wala."

"Pano ko sya makikita? Pano ako magpapaliwanag ?"

"Hindi din namin alam, malay mo bigla nalang magpakita si Jeany. Swerte mo kung babalikan ka pa nya."

Hindi na nakasagot si Kame at tuluyan ng umalis sa harap nila Nico at Sza. Papasok na sana sya sa agency nila pero hindi nya na malaman kung san sya pupunta ngayob dahil sa mga nalaman nya .

"Bakit mo sinabi yun Nico?"

"Ang alin?"

"Na baka bumalik si Jeany"

"Diba sabi ni Lola claire, sigurado syang babalik si Jeany"

"Sana nga, sana bumalik na sya.

A/N: short ud lang po. Next chapter nalang po babalik si Jeany. Read, vote and comment po kayo <3

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now