mch #10

17.7K 444 8
                                    

 dedicated to sayo @SteffannyYssaCiprian, salamat sa laging pag comment :)

*Asian Hospital*

Jeany's POV

Sosyalin ang hospital ni Lola. Sabagay, kahit naman ata hindi mag artista si Kame-chan, mayaman talaga sila. ... teka nga, bakit ba itong hospital ang iniisip ko? Pano na si Lola, ano ba talaga ang sakit nya. Hanggang ngayon di pa din sya nagigising. Hawak hawak ko ang kamay nya, natatakot ako, pano na lang kung malala ang nangyari sa kanya. T______________T

"Kasalanan mo kasi talaga to Jeany!" Sigaw ni Erika.

"Wala akong kasalanan."

"Anung wala? Eh, bigla kang pumunta sa bahay nila tapos biglang ikaw na agad ang papakasalan?"

"Wala nga akong alam! Bigla lang akong pina sundo ni Lola Claire"

"Na brain wash mo nga kasi, gagawin mo talaga lahat mapunta lang sayo si Kame no?"

Hindi na sumagot si Jeany, naiirita lang sya sa mga pinagsasabi ni Erika at baka hindi sya makapag pigil, maka gawa pa sya ng kasalanan. Pero wala pa ding tigil ng pag sasalita si Erika.

"Oh ano, hindi ka na makasagot no? patay na patay ka kasi kay Kame eh."

"Kung ako sayo, tatahimik na lang ako, hindi ka naman nakakatulong eh"

"Anong sabi mo?" Sigaw na tanong ni Erika.

"Tumahimik na kayong dalawa!" Galit na sabi ni Kame-chan.

"Bakit pati sakin nagagalit ka?" Tengene nitong si Erika, paawa nanaman.

"Tumahimik ka na kasi, baka lalong lumala si Lola."

"Sinasabi ko lang naman ang totoo eh, akala kasi nya gusto mo sya eh."

Alam kong hindi nya ako gusto at hindi nya ko magugustuhan, kaya itigil mo na yang kakadaldal mo dyan. Arayyyy, bakit ang sakit ng sinabi ko? </3

Limang minutong katahimikan... Biglang nagising si Lola Claire.

"Kazuya? Asan ka?"

"Andito lang ako lola."

"Asan si Jeany?" Nakapikit si Lola habang nagsasalita.

"Andito lang din po ako lola."

"Mangako kayo sakin, magpapakasal kayo  ah?"

"Pero Lola, hindi po ako ang mahal ni Kame-chan."

"Pero mahal mo naman ang apo ko diba?"

"Lola, ano ba yang sinasabi nyo." Sabat ni Kame-chan

"Basta, ako ang masusunod, kay Jeany ka magpapakasal"

"Lola naman."

"Excuse me po sir, hanggat maari po wag na nating hayaang ma stress ang inyong lola, makakasama na sa kanya ang susunod na atake."'Biglang sulpot si Doc, san kaya sya nang galling? Hhmm.

"Sundin nyo na lang po ang gusto nya, makakatulong pa siguro iyon para sa recovery nya."

"This is crazy! Ano ang tingin nyo sa akin dito, palamuti?" Galit na sigaw ni Erika. Kung tutuusin, kawawa na din talaga sya, sya ang girlfriend pero ayaw sa kanya ni Lola.

"Wag kang magalit, Erika."

"What? Ako ang girlfriend mo, and yet ako ang mukhang tanga dito."

"Pakiusap lang, wag na kayo dito mag talo, makaka sama sa pasyente yang ginagawa nyo."

"Uuwi na ako, Kame-chan, Lola"

"Alisin nyo nga ako sa Higaan na to, uuwi na ko."

Pero Lola, may sakit pa kayo di ba?"

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now