mch #49

13.5K 286 30
                                    

XLIX.

Nico's POV

Mukhang maghapong umiyak si Jeany. Hays. Hindi ko naman sya masisisi, alam ko namanh mahirap ang pinagdadaanan nya ngayon. Ang tanging gusto ko lang naman eh ang sumaya sya. Kaya kong ibigay yun sakanya, pero sana hayaan nya akong gawin yun.

"Jean?"

"Bakit?"

"Hindi kaba kakain kasabay ko?"

"Hindi na, busog pa naman ako"

Tumalikod si Jeany sakin, at nakikita ko ang batok nya hanggang sa balikat. Kahit saang anggulo ay maganda talaga sya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na iharap at yakapin sya.

"I love you Jeany" I kissed her in her lips. A passionate kiss, her lips are soft and is addictive. I wanted to feel her more so I decided to lay her down on her bed. I started caressing her face, down to her neck. I was about to undress her when I saw her face. She's crying for Pete's sake! T@ng*na! Ano nanamang katangahan tong ginawa ko?

"Jeany, i- i'm sorry"

Hindi sya sumasagot, tumutulo lang ang luha nya. Walang tigil.

"Sorry Nico. Sorry."

"Ha? Ako dapat ang humingi ng sorry sayo dahil sa ginawa ko"

"Hindi! Ako dapat. Kahit na anong gawin ko at isipin ko, sya pa din talaga. Sorry. Sorry." At bigla nya akong niyakap.

Nasasaktan ba ako? Oo. Masakit, kasi kahit anong gawin ko si Kame pa din ang mahal nya. Yung lalakeng nananakit sakanya.

"Wag ka ng magsorry. "

"Sorry, ginagamit kita. Yung kabutihan mo, masama ako eh! Mapagsamantala. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang panindigan ang mga desisyon ko."

"Wag kang mag isip ng ganyan, ako naman ang kusang nagpatuloy sayo dito diba? Dahil ang totoo, umaasa akong makakalimutan mo din sya. Pero, mali ako. Sya pa din talaga hanggang ngayon. Naiintindihan ko naman."

"Sorry talaga Nico. "

"Shhh. Wag ka ng mag sorry ok? Tama na yun. Ok? "

Tumango lang si Jeany bilang pagsagot sakin.

"Oh sige na. Maiwan na kita dito, alam ko namang kailangan mo ng paghinga. Goodnight Jeany"

"Goodnight Nico"

Jeany's POV

Alam kong masasaktan ko lang si Nico kung patuloy lang akong titira dito. Ayokong mapalitan ng galit ang pagkakainigan namin dahil sinasamantala ko sya. Dahil ang totoo, si Kazuya pa din. Sya pa din ang mahal ko at baka mabaliw ako kung mababalitaan ko pang magiging isang buong pamilya na sila kaya mabuti pang umalis na ako. Saan ako pupunta? Sa malayo, sa hindi ko sila makikita, sa malayong lugar na makakapagpalimot sakin ng lahat ng sakin.

*Kinabukasan

"Sigurado kana ba sa desisyon mo Jeany?"

"Oo naman. Tama lang naman na lumayo ako diba?"

"Oo nga, pero tama bamg hindi ka magpaalam kay Nico?"

"Malamang ay pigilan lang ako nun kaya ikaw nalang ang bahalang magsabi sakanya"

"Hindi na ba talaga kita mapipigilan?"

"Ano kaba Szarina, ok lang ako no!"

"Bat ngayon pa kung kailan buntis kana? Baka mahirapan ka."

"Ok lang ako, kaya ko no! Isa pa, alam ko naman Sza na gusto mo si Nico."

Natahimik si Sza sa sinabi ni Jeany.

"Ha? Ok ka lang ba Jeany?"

"Ako pa ba naman ang pag lilihiman mo? Matagal ko ng alam na gusto mo si Nico. Kaya nga hindi ka nag boyfriend kahit madami namang nanliligaw sayo"

"May topak kanaba? Patawa ka talaga."

"Narinig kita nung madaling araw na nagising ka, nagsorry ka pa nga"

Ikaw pa din hanggang ngayon, hays. Di bale makakalimutan din kita .

"Yan yung sinabi mo diba? Hindi kasi ako makatulog kaya narinig ko yun"

"Sorry Jeany. Hindi ko naman sinasadya na-"

"Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan dun, isa pa, hindi talaga si Nico ang para sakin. Bakit hindi mo I try sabihin sakanya?"

"Alam naman natin na ikaw ang mahal nun eh "

"Pag alis ko, dun mo sabihin, malay mo diba, magka chance na kayo"

"Patawa ka talaga."

"Hindi ahh. Yun naman talaga ang mabuting gawin diba? Malay mo. Oh pano, aalis na ako ha?"

"Sige. Mag iingat ka ha"

"Oo"

~~~

"Jeany, may dala akong prutas." Bat di sumasagot yun? Nasan kaya yun.

Pag akyat ko ng kwarto nya, nakita ko yung isang sulat.

Salamat sa lahat Nico.

Putek? Eto lang ang naka sulat? Baliw talaga ang isang yun. Sinabi ko namang wag na akong intindihin. Yung babaeng yun talaga.

"Bye Jeany."

A/N: lame and short ud. Sorry na po. Hahaha. Gano katag kaya mawawala si Jeany? Vote and comment po kayo :*






My Celebrity HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon