mch #39 (real ud)

14.8K 318 44
                                    

XXXIX.

Jeany's POV

Masaya naman ang relasyon namin lately. Oo yun ang akala ko at akala nya pero may nakalimutan kaming isang malaking problema. Si Erika. Sa sobrang saya ko sa relasyon namin nalimutan ko na namin sya, kaya heto, sya na ang mismong bumisita.

"Erika?"

"Oh yes, it's me, kamusta Jeany?" Sarkastikong sabi ni Erika.

"Ok lang. Ikaw? Anong kailangan mo?" Ang laki na ng tyan, malapit na siguro syang manganak

"Anong kailangan ko? Tinatanong pa ba yan, hinahanap ko lang naman ang tatay ng magiging anak ko" sabay himas sa tyan nya.

"Maupo ka muna, wala pa sya, pero babalik din naman agad sya"

"Mabuti kung ganun, mukhang kinalimutan na nya ako at ang responsibilidad nya, gusto ko lang sanang ipaalala. Eto nga pala ang ultrasound ko, lalake ang magiging anak namin"

Ayoko sana syang papasukin sa bahay namin, ayokonh tingnan ang resulta ng ultrasound nya, eto yung nakaka insecure eh, sila magkaka anak na. Ako ang asawa pero diko pa din sya nabibigyan ng anak samantalang wala naman kaming lahing baog. Nakaramdam ako ng pagka inggit.

"Shart, may daka akong dragon fruit, mukhang masarap-

"Erika?" Takang tanong ni Kame

"Hi Kazu!" Sabay yakap ng mahigpit

"Teka, bitawan mo nga ako, ano bang ginagawa mo dito?"

"At ano sa akala mo? Mukhang kinalimutan mo na ako at ang magiging anak mo. Dala ko ang ultrasound, lalake ang magiging anak natin."

Namangha si Kame, nung una ay iritable sya pero nung binanggit ni Erika na lalake ang magiging anak nila parang nag ningning ang mga mata nya. Nakaramdam ako ng inggit. Kung ako sana ang buntis, magiging ganyan kaya sya kasaya?

"Baby boy pala ang anak natin Erika?"

"Oo Kazu, malapit na akong manganak, sana kahit isang beses ay masamahan mo akong magpa check up. "

"Oo ba, kailan ba nag next check up mo?"

"Ang totoo nyan, may check up sana ako bukas, ok lang ba kung sasamahan mo ako?"

"Oo ba, magkita nalang tayo bukas, tatawagan nalang kita"

Nakaka irita sila marinig, hindi na nga napansin ni Kame na umakyat ako. Hays, masisisi nyo ba ako kung ang lalaking minahal ko ay may mas naunang pananagutan? Dapat bang makipag hiwalay nalang ako? Alam kong mahal nya ako pero pano pag nanganak na si Erika, ako pa rin ba ang pipiliin nya o bubuo na sila ng isang pamilya. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.

~~~

"Shart? Andito kalang pala sa kwarto, kanina pa kita hinahanap"

Hinahanap ba talaga? Ha?

"Ha? Bakit?"

"Anong bakit? Syempre nawala ka bigla eh"

"Ahh diba nag uusap kayo ni Erika? Ayoko lang maka istorbo lalo na at tungkol sa magiging anak nyo yun" parang gusto ko nalang maiyak. Ang sakit.

"Dapat andun ka para narinig mo kung anong mga pinag usapan namin"

"Ok lang yun. Hindi naman ako kasali dun, gusto ko palang umalis, pwede bang umuwi muna ako kay Sza?"

"Ha? Bakit ka uuwi dun? Ilang araw ka dun?"

"Two days lang naman, namimiss ko na kasi sya"

"Teka, may problema ba tayo?"

"Ha? Wala Shart, ano namang magiging problema natin?"

"Parang iba kasi yung aura mo eh"

"Hindi po. To talaga, mag ayos na ako ng gamit ko ha, hatid mo nalang ako?"

"Hmm. Ok ok sige"



A/N: lame ud. Hehe. Pag tyagaan nyo na po. Thank you for waiting! Vote and comment po :) <3

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now