mch #42

13.9K 294 70
                                    

XLII.

Jeany's POV

Alam mo yung literal na kumukulo ang dugo ko? Hindi ako palamura pero napapamura talaga ako! Ang kakapal ng mukha ng mga unggoy na to! Ano dun pa nagbahay bahayan sa bahay namin?!!

"Hoy! Kumalma ka nga, parang papatay ka ng tao eh"

"Oo Nico, makakapatay ako ng tao ngayong oras na din to"

"Bakit ba? Anong nangyari?"

"Tingnan mo,oh" Inabot ko kay Nico ang cp ko.

"Ay f*ck! Anong ibig sabihin nyan?"

"Oh diba? T@ng!n*, ang kakapal ng mukha! Dun pa ata gumawa ng milagro sa bahay namin."

"Teka, kumalma ka muna, hintayin mo muna mag magpaliwanag diba?"

"Anong paliwanag pa ang kailangan ko? Proud na proud pa sila sa mga ginawa nila!"

"Sigaw naman to ng sigaw! Kumalma ka nga. Isipin mo ha, ginawa nila yan before maging kayo diba? At take note, tinanggap mo yan diba?"

Tama si Nico, bago naman kami ikasal nangyari na to, tinanggap ko kaya anong inaarte ko?! Pero naman kasi!

"See? Tinanggap mo kaya kumalma ka muna, hintayin mo ang paliwanag nya"

"Ok, ok, tama ka."

"Kung talagang mahal ka nya hindi sya gagawa ng mga bagay na ikakasira ng relasyon nyo." Ano ba tong sinasabi ko?' Diba dapat siraan ko pa, kaso hindi kaya ng kunsensya ko parang mali kung gagatungan ko pa. D@mn!

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Nico. Kung tutuusin anong pinagkaiba ko? Pumayag akong halikan ni Nico, pero heto ako, nagwawala sa picture na mukhang ordinaryo naman ang senaryo. Paranoid lang ba talaga ako? Kailangan ko ng umuwi bukas para maayos ang lahat ng to.

~~~
Kinabukasan...

Kamesaki's Residence

"Erika? Bat andito ka namanan?" Ginawa na ata nyang tambayan tong bahay namin eh.

"Sorry, gusto kitang makita"

"Ha? Ayos ka lang ba? Magagalit ang asawa ko kung patuloy kang pupunta dito"

"Sorry"

"Hays! Sige, umupo ka na nga, next time mag text ka or tumawag muna kay Jeany. Gusto kong alam nya ang lahat ng nangyayari."

"Dinadalaw ko lang naman ang tatay ng anak ko, hindi mo kasi akong jayang dalawin diba?"

"Alam mo naman ang sitwasyon ko Erika, iba noon, iba na din ngayon"

"Anong pinagkaiba? Ikaw pa din naman ang tatay ng anak ko."

"Oo, tama ka nga dyan pero may asawa ako"

"Oo, paulit ulit kong naririnig yan, at pag labas ng batang to, lalaki syang bastardo!"

"Wag kang mag salita ng ganyan-

Biglang hinawakan ni Erika ang tyan nya na para bamg nasakit ito.

"Ok ka lang ba? Parang napapadalas ang pagsama ng pakiramdam mo"

"Hindi. Ok lang ako, hindi lang ako masyadong makatulog mag isa"

"Sorry. Pero uulitin ko, kahit itext mo lang si Jeany pag pupunta ka dito"

"Kailangan ko ba talagang I text sya? Hindi ba pwede sayo nalang akong magpaalam?"

"Mag asawa kami, dapat ay parehas kaming nagdedesisyon sa mga bagay, lalo na sa tungkol satin ng bata"

My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now