Basag

6 3 0
                                    

Bitak sa amin salamin ang nasa aking harapan, Naluluha akong tingnan ito at nais ko na itong takpan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bitak sa amin salamin ang nasa aking harapan,
Naluluha akong tingnan ito at nais ko na itong takpan.
Ngayon, natitira na lang sa aking isipan,
Ang mga pangako nating tipan.

Sa bawat bitak nito'y alaala ang katumbas.
Mga sinambit nating pangako na may basbas.
Ngunit kasama pala ito sa iyong palabas,
Nang makita ko kayong magkasama na lumabas.

Lumingon na ako palayo sa salamin at pumikit
Pilit na kinakalimutan kung paano ka sa kaniya dumikit.
Habang ako'y nalulunod na sa pait at sakit,
At iniiyakan ang mga alaala nating nakaukit.

Pait at pagkalugmok sa kalungkutan sa akin nagpapaluha.
Sambit mo pa na hindi ka magsisinungaling sa aking mukha.
Kaya ngayon, iniwan mo na akong nangungulila.
Habang ika'y nanghihingi ng pagmamahal sa iba at nagpapadukha.

Bakit ako nasaktan ng ganito sa aking sariling kuwento?
Hindi niya raw ako sasaktan ngunit bakit ang mga mata ko ngayon ay nagmumugto?
Kahit na humingi ka ng tawad sa santo, hindi na mawawala ang iyong naging trato.
Lalo na kung binasag mo ang ating salamin gamit ang pandaraya mong bato.

El Corazón PlaylistWhere stories live. Discover now