(Published under TBC Publications)
Mga emosyong itinago para sa sarili ko,
Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko,
Mga tulang isinulat hango sa musiko.
Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo,
Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo,
Ngunit may dal...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Simula pa lang, ang 'yong motibo'y nakakalat Oh! Mukhang ikaw ata'y nagulat Lagi na lang sinasabi sa akin ang ulat Oh! Huwag kang matakot maisiwalat
Salamat dahil gano'n ang iyong pagtingin Ops! Hindi ibig sabihin na ika'y sasagutin Marami rami pa akong gagawin Oras na siguro para basagin ang salamin
Sinisiguro ko na tayo'y makakapagusap pa Ang sa akin lang, makakayanan mo ba? Magiging maayos naman siguro ang lahat Iniisip mo pa rin ba 'yon dahil na ika'y nagulat
Gasgas na kung aking sasabihin agad Ang kuwento natin ay agad na masasagad Sasabihin ko na sa 'yo ang iyong hangad para hindi ka na magmukhang hangal