Lungkot sa akin ay nakaguhit.
Dinaramdam pa rin ang sakit.
Akala ko'y may pahinga sa kuwit.
Kaya para sa 'yo, nagawa ko pang umawit.Alaala na sa akin bumabalot,
Ramdam ko pa rin ang kirot.
Kahit na ninais ko nang pumalaot,
Maaabot pa rin ako ng puot.Nota na kasingtaas ng langit.
Pag-ibig na higit pa sa aking nabanggit.
Pinatugtog ko ang gitara sabay kalabit.
Sana hindi na ako tumuntong sa aking bingit.Luhang natira sa aking gitara,
Nagulat ako nang ito'y kaniyang binasura.
Awiting na alay para sa kaniya'y bihira.
Pero bigla niya lamang itong sinira.
YOU ARE READING
El Corazón Playlist
Poetry(Published under TBC Publications) Mga emosyong itinago para sa sarili ko, Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko, Mga tulang isinulat hango sa musiko. Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo, Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo, Ngunit may dal...