(Published under TBC Publications)
Mga emosyong itinago para sa sarili ko,
Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko,
Mga tulang isinulat hango sa musiko.
Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo,
Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo,
Ngunit may dal...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Hindi maikakailang marami tayong pinagdaanan Kung ako'y tatanungin, aking babalikan Ang mga nangyari sa ating nakaraan Hindi maikakailang napakasarap balikan
Una tayong nagkakilala, napatibok mo na ang aking puso Wala ka pang ginagawa pero ako'y nagiging puno Akala ko no'ng hindi mo ako pinapansin, ang puso mo'y bato Pero sinabi mo sa akin na, "Ang puso ko'y tumitibok para sa 'yo."
Naging tayo, napakasaya sa piling mo Ang mga sasayang alaala ay aking ibabaon Pero hanggang sa nagkaroon tayo ng hindi naging maganda ang iyong inasal Akala mo ako'y may iba pero pinagawan lang kita ng singsing para sa ating kasal
Habang tayo'y nagaalitan, may paparating na kotse sa ating daraanan Nabigla ako sa nangyaring insidente dahil ikaw ang napuruhan Pero laking pasasalamat ko sa Maykapal na ika'y nabuhay pa Ako'y napangit na may luha dahil makakapiling pa kita