Bughaw

2 1 0
                                    

Matang nagpapaalala ng langit Tititigan ito kahit ito'y masakit Kahit na ako'y nasa bingit Iniisip ko pa rin na ito'y sulit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matang nagpapaalala ng langit
Tititigan ito kahit ito'y masakit
Kahit na ako'y nasa bingit
Iniisip ko pa rin na ito'y sulit

Napakaaliwalas ng dagat
Titigan ito ay sapat
Presa na sana'y makakagat
Rehas na pala ang nakalapat

Pula na sana ang kulay
Pero nawalan ito ng buhay
Mula nang masira ang tulay,
Hindi na ako makangiti nang may suhay

Dagat na kasinglinaw ng bughaw
Nakakaawang ako'y nauuhaw
Kasing liwanag ng dilaw
Ang pinundi mong ilaw

El Corazón PlaylistWhere stories live. Discover now