Sa bahay na ito, dito kami naglalarong dalawa.
Rinig sa bawat sulok ang aming mga tawa.
Hanggang sa iniwan niya akong mag-isa,
At iniwan niya akong nagdurusa.Sa dilim ng bahay kailangan ko pa ng tente.
Minsan lang nagkakakuryente kung sinusuwerte.
Nakapagbigay naman na rin ako ng bente,
Pero hindi pa rin pala sapat para makabili ng lente.Gumamit naman na ako ng walis.
Ngunit sa isip ko'y hindi kita maalis.
Oras na dati ay mabilis,
Ngayon, nahuhuli na ng pulis.Kahit na saan ka pa dumaan.
Pinamahayan na ito ng mga multo ng nakaraan.
Kahit kanino pa ako maglaan,
Dala-dala ko ang bahay na ito kahit saan.
YOU ARE READING
El Corazón Playlist
Poetry(Published under TBC Publications) Mga emosyong itinago para sa sarili ko, Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko, Mga tulang isinulat hango sa musiko. Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo, Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo, Ngunit may dal...