Dilim sa Lilim

3 1 0
                                    

Wala akong ibang inisip kundi ang maghiganti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wala akong ibang inisip kundi ang maghiganti.
Hindi ako makapagtimpi at akoʼy kating-kati.
Pananaw koʼt mga gusto ko ay biglang nahati.
Para lang sakmalin at saktan ang aking naging dati.

Iniisip ko pa rin ang tiwalang nawala,
At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nadadala.
Kahit na ang sikreto ko'y sakanila ay pinagkatiwala,
Hindi sila nagdalawang isip na sa akin ipaputok ang bala.

Hanggang sa nabulag ako ng liwanag.
Ako'y nasilaw at tuluyang nabihag.
Mga galit na saka lang inamag.
Mga lungkot na sinunog ng sinag.

Ayoko nang isipin ang mga patalim.
Hindi na ako magiging katulad nilang sakim.
Dahil hinding-hindi ko na maatim,
Na lumiwanag ang sa dilim ng lilim.

El Corazón PlaylistWhere stories live. Discover now