(Published under TBC Publications)
Mga emosyong itinago para sa sarili ko,
Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko,
Mga tulang isinulat hango sa musiko.
Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo,
Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo,
Ngunit may dal...
Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.
Nakatitig lang ako sa kalangitan. Buwan lamang ang aking inaawitan. Hanggang sa ito'y iyong guhitan, At ngiti ko ang iyong pinalitan.
Sobra na ata kung ako'y hihiling. Masama bang hilingin na ika'y makapiling? Marahil ay isa nga akong sinungaling. Sana matanggal na sa ating pagitan ang gitling.
Sa liwanag ng buwan, ika'y kahagkan. Hindi mapakali nang ako'y iyong hawakan. Hanggang sa muntik mo na akong halikan. Oh panaginip, kay sarap balikan.
Sana hindi ako mapakanta ng "Tilaluha." Ayokong sayangin na naman ang aking mga luha. Kaya kapag nagpakita sa kalangitan si Luna, Sa isip ko, ikaw na ang nangunguna.