(Published under TBC Publications)
Mga emosyong itinago para sa sarili ko,
Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko,
Mga tulang isinulat hango sa musiko.
Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo,
Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo,
Ngunit may dal...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nilagay ako sa Tawi-tawi Marami na ang nasawi Luha ko'y gusto kong mapawi Sa susunod na lang ako babawi
Akala ko makahaharap na ako Nakita ko lang siya, hirap na ako Gusto ko nang magising sa panaginip ko Para mawala ka na sa isip ko
Hindi ito naging madali Lalo na ako'y nadali Mga pangakong nabali Binaril na lang ng "Baka sakali"
"Sinta! Puwede ka ba sa akin tumabi?" "Hindi na. Malaki ka na," ang kaniyang sinabi Hindi ako makatulog kaya buhok ko'y aking hinabi Hanggang sa abuyin na ako ng hating-gabi