(Published under TBC Publications)
Mga emosyong itinago para sa sarili ko,
Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko,
Mga tulang isinulat hango sa musiko.
Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo,
Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo,
Ngunit may dal...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Isa pa ngang serbesa!" aking sambit. Isang kahon ng alak ang kaniyang bitbit. "Oy! Tama na 'yan." lumingon ako sa kung sinoman ang kumalabit. Nang titigan ko siya, natigilan ako't ang titig ko'y sa kaniya na sumabit.
Naparami na nga siguro ako kaya ngayon ako'y nahihilo. Nararamdaman ko ngayon para sa iyo'y nagkakagulo. Hindi na ako makahinga at para akong takure na kumukulo. Makikita't mararanasan ko pa ba ang inaasam kong dulo?
Gusto na talaga kitang sisihin. Sa isip ko'y gusto na kitang burahin. Kahit na alak pa ang aking inumin, Lalo lang lumalala ang aking damdamin.
Talagang nabaliw na ako sa iyong bango. Hindi mapakali ang puso na para bang isda na bagong hango. Hinihimatay na ako sa simple mong tango. Titigan lang kita, para na akong nalango.