(Published under TBC Publications)
Mga emosyong itinago para sa sarili ko,
Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko,
Mga tulang isinulat hango sa musiko.
Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo,
Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo,
Ngunit may dal...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tumawag ako at sinabing "Halika" Ibig ko lang sabihin ay "Balik ka" Ngunit mukhang galit ka Kaya naghintay akong tumawid ka
Iba pala sa akin ang lalapit Ako'y dinakip at ako'y hinapit Matindi pa rin ang aking pagkapit Alam ko na oras ko'y hindi pa sasapit
Hinayaan mo lang ang aking katawan, Na ilawan ng liwanag ng buwan Galawan nila na nakikita ng kalawakan Iniwan nila ako habang sila'y nagtatawanan
Hindi na kita makikita muli Hindi mo man lang ito sinulit Kaya sa susunod na ako'y mahuli Hinding hindi na ako magpapahuli