Buwan

2 1 0
                                    

Alas-tres na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alas-tres na. Hindi ka pa rin mabura
Kaiisip sa 'yo, ilang beses na kitang namura
Para kang lababong nabara
Para kang pintong nakasara

"Salamat po sa litrato."
Para kang nagpapasalamat sa santo
Hindi ba sapat ang aking trato?
Sasabihin ko na ang ating kuwento

"Sa ilalim ng buwan
Sila'y nagkukuwentuhan
Nagsimula sa suyuan
Nagtapos sa layuan."

Dapat hindi na ako naging dayo
Dapat nakinig ako sa kanilang payo
Kaya ko naman ibigay sa 'yo
Kaya lang ako lang ang nag-iisip na may "tayo"

El Corazón PlaylistWhere stories live. Discover now