Obra Maestra

2 1 0
                                    

Habang ako'y nagmumuni-muni, Iniisip ko kung paano ko ikukumpuni, Ang obrang ginagawa ko habang humihuni

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang ako'y nagmumuni-muni,
Iniisip ko kung paano ko ikukumpuni,
Ang obrang ginagawa ko habang humihuni.
Ngunit nakakakita lang ako ng mga guni-guni.

Bigla kong naalala ang dati,
Kahit na ang mga alaala namin ay kakaunti.
Kaya kapag naalala ko ang kaniyang ngiti,
Ngiti rin sa aking labi ang aking ganti.

Nakita kong nais mo na sa iyo'y may mag-alay,
ng mga obra na kay sarap lagyang ng kulay.
Kaya ngayon, hindi na ako magdadalawang isip.
Gagawan kita ng kay raming obra at sa 'yo ako magninilay.

Sa buong buhay ko, ikaw lang,
Ikaw lang ang inalayan ko nang walang pagkukulang.
Kahit na hindi kita gamay,
Mahawakan mo lamang ang aking obra ng iyong mga kamay.

El Corazón PlaylistWhere stories live. Discover now