(Published under TBC Publications)
Mga emosyong itinago para sa sarili ko,
Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko,
Mga tulang isinulat hango sa musiko.
Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo,
Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo,
Ngunit may dal...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Mga tinig mong akala ko'y maririnig ko pa Aakalain mo 'yon, napadaan ka lang Paano ba ako makakalimot kung natamaan na ako? Ah, sabi mo nga pala, "Kalimutan mo na ako."
Patama man kung iyong tawagin Ang puso ko'y gusto kang yakapin Ang saklap lang dahil hindi mo na ako hahanapin Wala na akong ibang magagawa kun'di ito'y tanggapin
Iniisip ko pa rin kung bakit mo 'yon nagawa Tinamaan na ako sa 'yo pero biglang mo akong iniwan Kaya ngayon, ako'y napapakanta na lang Ang masaklap, ikaw pa ang laman ng aking mga kinakanta
Laman ng aking mga liriko ay ikaw Ang aking hiling ay isasama ko na lang sa bulalakaw Nang sa ganon, itong nararamdaman kong ginaw, Gaano man ito katagal, ito'y matutunaw