(Published under TBC Publications)
Mga emosyong itinago para sa sarili ko,
Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko,
Mga tulang isinulat hango sa musiko.
Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo,
Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo,
Ngunit may dal...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Bata! Bata! gusto mo ba ng matamis? Gusto mo ba ng Pitaya galing Misamis? Huwag kang matakot. Hindi ako mabangis. Kaya lang, mas mahal nga lang ang langis."
Sinunggab ko ang binibigay niya na parang bata Sarap na sarap na parang kumakain ng pata Hindi ko na nagawang paganahin ang aking mga mata Kaya napasabi na lang ako ng "yata"
Hindi raw ako nag-ingat Hindi rin ako nag-ingay Kaya mas lalo itong bumigat, Dahil ako ang bumigay
Habang ako'y kumakain, nakita kitang ngumiti Hindi ko namalayan na nanginginig ang aking mga binti Pero saka ko lang naunawaan nang ika'y ngumisi Dahil sa sobrang tamis nito, ako'y nagsisi