Bula

2 1 0
                                    

Binilhan ako ng bula ni Mama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Binilhan ako ng bula ni Mama.
Hinipan ko at sa hangin na sumama.
Tuwa ang aking nadarama,
Hanggang sa pader na ito tumama.

Naalala ko 'yon habang nagkukusot.
Mga damit na na may dumi at gusot.
Mga alaala na sa akin bumabalot.
Dahil lang sa bula ito'y naging dulot.

Kumikinang sa aking mga mata ang lahat.
Mga bulang mga alaala ang buhat.
Tumama na ito sa aking balat.
Naaalala ko ang lahat at ako'y nagulat.

Mga matatamis na salita,
Bigla na lang nahuli sa balita.
Akala ko bula lang ang nawawala.
Nagulat ako dahil ikaw rin pala.

El Corazón PlaylistWhere stories live. Discover now