Hindi na ako makatulog,
Dahil muli na naman akong nahulog.
Ang diwa mo'y sa akin bumubulabog.
Parang ulan na may kasamang kulog.Sana isa ako sa mga tipo mo.
Para maramdaman mo ang nararamdaman ko.
Sana isa akong matalino katulad mo.
Para masaya kang kausapin ako.Hanggang sa may bigla sa aking pumukaw.
Hindi makapaniwalang isa 'yon bulalakaw.
Ako'y napanganga habang ito'y aking tinatanaw.
Kaya nagdasal na ako na parang ang mundo'y magugunaw."Ojalá estemos destinados a serlo."
Nakangiti kong sambit na parang siraulo.
Kaya paulit ulit ko itong sinabi hanggang sa masaulo,
At umaasa na sana'y maging tayo sa dulo.
DU LIEST GERADE
El Corazón Playlist
Poesie(Published under TBC Publications) Mga emosyong itinago para sa sarili ko, Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko, Mga tulang isinulat hango sa musiko. Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo, Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo, Ngunit may dal...