(Published under TBC Publications)
Mga emosyong itinago para sa sarili ko,
Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko,
Mga tulang isinulat hango sa musiko.
Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo,
Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo,
Ngunit may dal...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
INgay na ingay na ako Ginawa niyo nang umagahan ang chismis niyo Ang galing dahil may oras pa kayo TAnging puro salita lang ang kaya niyo
Nangangailangan ka ba ng tulong? Nang maipatingin na kita sa doktor IYO na 'yang chismis niyo Antayin ko na lang na mawala kayo
Nakakamangha na sila ang kaibigan ko Gaano man katagal ang aming pagkakaibigan Maraming umalis sa tabi ko Gano'n katindi kapag may nagawa kang kasalanan
Ano pa bang aasahan ko? Sino ba namang lalapit sa tulad ko? Imbis na ako kausapin niyo Nagawa pang magpakalat na sa akin patungkol
Ano? Sabik na sabik tsaa? Sayang na sayang ba kapag hindi niyo natikman? Aba! Dahan dahan at baka mabulunan Baka mabilaukan sana kayo diyan
INgat na ingat na ako sa pananalita ko Ilang beses ko na rin sinubukan manahimik para sa inyo Yaman niyo na siguro ang mangialam sa ibang tao O baka naman wala lang masyadong pumapansin sa inyo