Siso

2 1 0
                                    

Hinawakan ko ang iyong kamay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hinawakan ko ang iyong kamay.
Napatanong ako kung bakit ka matamlay.
Hindi naman tayo pupunta ng lamay.
Saka hindi naman tayo madadamay.

Masasayang mga bata sa paligid.
Kasiyahan sa atin ay umaaligid.
"Matutuwa ka ba?" habang sa 'yo nakatingin.
At napaupo kami sa magkabilang gilid.

Nauna kang bumaba.
Ako naman ang nasa taas.
Salitan tayo sa pagbaba.
Hanggang sa mata mo'y biglang tumalas

Nagulat ako nang ika'y tumayo.
Ika'y naglagay ng bato,
At naiwan ako sa taas,
Habang pinapanood kang lumayo.

El Corazón PlaylistWhere stories live. Discover now