Nilingon ko ang aking nakaraan.
Malungkot na nakita ang kasiraan.
Nakapag-isip na ako ng ibang paraan.
Mukhang sa iba na ako daraan."Ang kasunduan, huwag mong kalilimutan."
Patawad, marahil akin nang palilitan.
Hindi ko kaya ang sinasabi kong kasunduan.
Akin na 'yan, gusto ko na lang 'yang guhitan.Ekspresyon na aking nasilayan.
Ngiti na gustong gusto kong kulayan.
Pikit mata ko nang namalayan,
Na nahulog na ako sa aking himlayan.Hiwaga na naramdaman sa kaniyang kisap.
Kinakabahan ako na para itong kulisap.
Hinding hindi na talaga ako kukurap,
Sa taong makikita ko sa aking harap.
BINABASA MO ANG
El Corazón Playlist
Poetry(Published under TBC Publications) Mga emosyong itinago para sa sarili ko, Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko, Mga tulang isinulat hango sa musiko. Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo, Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo, Ngunit may dal...