Sa mga araw na ika'y nasisilayan
Ang sarili ko'y lagi sa'yo'y nagagandahan
Naniniwala ako na, ang aking puso...
Ay magiging sa 'yo kahit na ika'y malayoNais ko ay ika'y makilala
Ang iyong katauhan ay hindi maikakaila
Sasabihin ko na "handa akong magpakaalila"
Ah, para tayo'y makagawa ng mga alaalaBiniro ko pa ang aking sarili
"Iibigin niya rin ako kahit hindi niya sabihin"
'Kala ko'y hindi mo ito sasadiyain
Oh buhay, siya rin pala ay sa akin napaibigNgunit huli na ang lahat
Ang mga pangarap ko'y nawala
dahil ika'y may sakit na malubha
oh sinta, bumalik ka na
YOU ARE READING
El Corazón Playlist
Poetry(Published under TBC Publications) Mga emosyong itinago para sa sarili ko, Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko, Mga tulang isinulat hango sa musiko. Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo, Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo, Ngunit may dal...