Chapter 2

2.2K 50 55
                                    


TIAN MARTELL

DIPUTA, minalas 'ata ako ngayon. Ayon na nga ang chance ko para mahalikan ang isa sa mga babaeng matagal ko na inaakit tapos mapupunta lang pala sa wala, pambihirang buhay naman talaga oh!

"Hay naku Tian...hindi mo na nga natikman ang babaeng 'yon, muntik ka pa mahuli ng mga paparazzi at reporters..." umiiling-iling na pagkasabi ni Alvin habang nakatingin sa 'kin.

Gusto kong mainis dahil pinagmumukha niya talaga sa 'king malas ako, pero 'wag nalang dahil nandito pala ako ngayon sa bahay niya.

Napalingon kami kay Blue na nasa tabi ko nang bigla siyang napatakip sa bibig na parang gulat na gulat. "What's wrong with you Blue?" Tanong ko.

Nilingon niya ako at napakalalim ng titig niya sa 'kin na parang may nakakabahala siyang sasabihin. "Walang mali sa 'kin Tian, pero mukhang ikaw ang magkaka-problema. Kalat na kalat na ngayon ang pictures mo kasama nong babaeng kalandian mo sa labas ng airport..." tugon niya.


Sa gulat ko ay napatayo ako mula sa kamang inuupuan at agad ko kinuha kay Blue ang hawak niyang cellphone. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang trending nga ngayon online ang ginawa ko kanina sa airport.

"Holy breath! Hindi pwede 'to, sira na naman ang pangalan ko..." napahawak ako sa ulo dahil malaking problema na naman itong pinasok ko.

"Tian matagal nang sira ang pangalan mo, hindi ka pa ba sanay? Lagi ka nalang laman ng balita na may kasamang iba't ibang babae." Napakamot sa ulo si Vincent. "Kakabalik mo pa nga lang sa movie industry nagkalat ka na naman ng bagong scandal. Talagang most scandalous actor ka na ng Seaven Network." Mahinahon itong sinabi ni Vincent kaya hindi ko alam kung nang pipikon ba siya o concern lang.

Pero may punto siya do'n, kaya natawa nalang ako. "Well tama ka naman talaga diyan...kaya bakit pa ako matatakot sa mga sasabihin nila eh sanay na ako sa mga 'yon..." napahiga nalang ako sa kama.


Lumapit sa 'kin si Blue. "Alam mo ganito nalang, magsaya tayo! Nagpatawag kami ng babae para sa 'yo..." nakangiting sabi niya at nagtawanan na sila.

Nang marinig ko ang sinabi ni Blue ay agad akong bumangon, syempre babae na 'yon eh. "Talaga? Sa'n na? Papunta na ba?" Sunod-sunod ang pagtanong ko na halatang sabik na.

"Kalma lang Tian, papalapit na siya. Ito sana 'yong surprise namin sa 'yo, kaso hindi ka nakinig at mas pinili mo pang makipagkita sa babaeng 'yon sa labas ng airport." Tugon ni Vincent. "Si Alvin nag plano nito. Tapos si Blue ang nagpili ng babae." Dagdag pa niya.

Umakbay ako sa balikat ni Blue. "Nagulat naman ako sa inyo, hindi ko inasahang gagawin niyo 'to para sa 'kin..." abot tenga ang ngiti ko habang sinabi iyon sa kanila.

"It's just to celebrate sa pagbabalik showbiz mo. And alam naming hindi magiging kumpleto ang araw ko kung walang babae. Kaya iiwan namin kayo dito at gawin niyo kung ano ang gusto niyo." Sagot ni Blue.

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ko ay nagagawa ko pa rin kalimutan ang mga 'yon sa tuwing kasama ko silang tatlo. Marami akong kaibigan lalo na sa showbiz industry, ngunit iba sila sa lahat.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now