About Make You Mine

536 18 0
                                    


The origin of Make You Mine. Well, I never expected na makagawa ako ng isang bl story. It all started nong medyo bored ako at na-curious sa sumikat na Thai BL series nong 2020, ang 2gether.

First time ko no'n kiligin sa isang series at naging shipper. Naging malikot ulit ang utak ko, kaya nakagawa ako ng story inspired do'n and it's Make You Mine.

Nong 2021 ko palang na outline pero hanggang Chapter 3 lang ako at itinigil ko na dahil naligaw ako sa fantasy no'n—Atlas. Kahit ganon pa man hindi ko pa rin nakalimutan ang bawat details ng outline ko sa Make You Mine.


Nitong December 2022 ko lang pinag-bigyan ang sarili ko na magsulat ulit ng pure romance.

Meron akong mga binago sa story, isa na do'n ang pag-alis ko sa idea na football player si Haku. Pero nanatili naman ang plot na scandalous actor si Tian.

Pati ang school binago ko. Hanggang dumating ako sa idea na gagawa ako ng isang fictional city at school at do'n ko ilalagay bawat characters na maiisip ko sa mga romance stories.

Then Heartful Academy is born, home of my romance stories. Dito na lahat ng romance na maiisip ko. For more info, read the next part about Heartful Academy.



Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now