Chapter 3

1.7K 40 36
                                    


TIAN MARTELL

NATULALA nalang ako habang naalala ang nakakahiyang pangyayari na nabangga ko ang lalaking 'yon, sa lakas ng pagkabangga ay na-out balanced siya at dahil hawak niya 'ko ay naisama niya ako sa pagbagsak sa kalsada.

Aksidenting nakapatong ang buo kong katawan sa kanya habang hawak-hawak niya ang likod ko.

Bilang isang artista marami na akong nagawang bagay sa harapan ng maraming tao at nalalabanan ko ang hiya kapag may taping sa public. Pero bakit sa tuwing naiisip ko ang pangyayaring 'yon ay nakakaramdam ako ng hiya, parang sa unang pagkataon nahiya ako.

Naririnig ko pa ang tibok ng puso niya habang nakadapo ang mukha ko sa dibdib niya. Para makita kung sino ang nabangga ko ay dahan-dahan ako nag-angat ng tingin. At napanganga nalang ako nang makitang kanina pa pala siya nakatingin sa 'kin.

Hindi ko maipaliwanag, pero bigla akong natulala at hindi makapagsalita.

"Tian..." parang mas gumanda pakinggan ang pangalan ko the way niya binigkas, malamig kasi pakinggan ang tuno ng boses niya. Parang gusto ko tuloy na ulit-ulitin niya ang pagsabi sa pangalan ko.

Maging ang tibok ng puso niya ay unti-unting bumabagal. Katulad ng sa 'kin ay kumakalma din ang tibok sa puso niya, ramdam ko 'yon.


But damn, ano ba itong nangyayari sa 'kin?! Nakakaramdam na nga ako ng hiya dahil sa buong buhay ko'y ngayon lang ito nangyari sa 'kin na wala ako sa pelikula, walang script, at higit sa lahat ay sa lalaki pa. Pero bakit nanatili lang akong tulala dito?

Ang katawan at isip ko ay gusto na kumilos para makalayo sa kanya at matigil ang tumatagal na oras na nakapatong ang katawan ko sa kanya. Pero ginagago ako ng mga mata ko, parang ayaw na nito tumigil sa pakipag-titigan sa nangungusap niyang mga mata.

Masyadong matagal na 'kong nakapatong sa katawan niya, kaya hindi na 'to pwede. Iniwas ko ang tingin sa kanya at dali-dali akong tumayo, kahit naiilang ako ay kailangan ko pa rin humingi ng tawad dahil kasalanan kong nabangga siya.

"S-Sorry tol, hindi ko sinadyang mabangga ka..." humingi ako ng tawad habang pinapahid ko ang mga kamay ko sa damit niya baka kasi may mga dumi.

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang may na-realized ako. What the hell! Bakit ko pala hinawak-hawakan ang damit niya na halos nahahagi ko na ang katawan niya.

Agad ko na itinigil ang kalukohang ito, baka mamaya ano pang iisipin niya.


Hindi niya ako sinasagot, kaya nag-angat na ako ng tingin at nakita kong nakakunot ang noo niya na parang labis siya nagtataka sa 'kin, kaya napakunot-noo nalang din ako dahil maging ako ay nagtataka na rin sa kanya. Parang may malalim siyang iniisip habang nakatingin sa 'kin.

Naiilang na ako sa titig niya kaya lumingon ako sa gilid at tamang-tama na may sasakyang naka-parking. "Kotse mo naman siguro 'yan 'no?" Tanong ko habang nakaturo sa kotse, dahan-dahan siya tumango habang nakatitig pa rin sa 'kin at nakakunot ang noo.

Nawe-weirdohan na talaga ako sa kanya pero kailangan ko ang tulong niya. Kaya agad kong hinawakan ang kamay niya, ako na mismo ang nagbukas ng kotse at dali-dali akong pumasok habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya para maisama siya, kasi ang kapal ko naman kung iiwan ko siya sa labas eh sa kanya ang kotse na 'to.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt