Chapter 8

932 34 0
                                    


TIAN MARTELL

NAPAKATAHIMIK ng paligid at parang bumabalik lang sa 'kin ang mga nangyari nong una naming pagkikita sa airport. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa 'yon naalala.

Pikit ang mga mata ko at habang patagal nang patagal ay hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid. Pero isang bagay ang naramdaman kong kakaiba, parang may kung anong softly at sweet na bagay ang nadapoan ng labi ko.

Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko at laking gulat ko nang makitang ang mga labi pala ni Haku ang nadapoan ng labi ko. Nakapatong na nga ang buo kong katawan sa kanya, nagtama pa ang mga labi namin! Diputa, this can't be!

Dali-dali kong inilayo ang mukha ko sa kanya at napanganga ako nang makitang tinitigan lang niya ako, napakakalmado pa rin ng mga mata niya at parang nangungusap pa.


Iniwasan ko siya ng tingin at dahan-dahan akong lumingon sa paligid. Napalunok ako nang makita ang iba't ibang klase ng reaction sa mga students dito. Marami sa kanila ang nakanganga na halos mahulog na ang mga panga, napatakip pa ng bibig ang ilan sa kanila na halatang gulat na gulat sa nangyari kaya hindi makapagsalita.

Nakaramdam ako ng kaba dahil ang iba sa kanila ay masama ang tingin sa 'kin, merong nagsasalubong ang mga kilay at nakakuyom pa ang kamao, halatang pinag-seselosan na nila ako ngayon. Sobrang nakakahiya naman nito.

Pero may ilan naman sa mga students, maging ang class adviser, at lalong-lalo sila Vincent at Blue ay napapangiti habang tila nagpipigil pang sumigaw. Ayaw ko man isipin, pero parang kinikilig sila.

Nasisiraan na ba sila ng bait, bakit sila kinikilig na magkahalikan kami eh pariho kaming lalaki. Pero napaisip ako, ano kayang gamit ng lalaking ito, bakit parang lasang matamis na prutas ang kanyang labi, hindi dry at mapula pa.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang isang bagay. Shit, nakapatong pa pala ako sa katawan niya at malapit pa talaga ako sa hita niya nakaupo, kaya pala may nararamdaman akong unti-unting tumitigas.


Diputa 'tong lalaki na 'to, minamanyak pa talaga ako, without knowing na mas manyak pa ako sa kanya. Hindi nga lang ako pumapatol sa lalaki.

Dali-dali kong inalis ang katawan ko sa kanya, umupo ako sa gilid niya at agad kong pinupunasan ang labi ko gamit ang tela ng aking suot na damit para maalis ang kung anong marka o lasa ng labi niya.

"Hindi ito totoo, hindi ito totoo, panaginip lang ito...hindi kita nahalikan, hindi kita nahalikan..." pilit kong sinasabi sa sarili ko.

Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkahiga at umupo siya sa tabi ko. "Kahit mabura pa ang lasa ng labi ko sa labi mo, but in your mind, you can't forgot this moment." Saad niya sa 'kin.

Nilingon ko siya na nagsasalubong ang mga kilay ko. "Tse! Manahimik ka! Isang bangungot ang pangyayaring ito, isang bangungot na hindi na dapat maulit!"


Agad akong tumayo at nakita ko ang gulat sa mukha ng mga students, malamang hindi sila makapaniwalang nagawa kong sigawan ang idol nila. Dali-dali na akong lumakad palabas ng classroom na 'to. Huminto muna ako sa harapan ng babaeng nagtapon sa 'kin papunta kay Haku.

"Salamat ha, nang dahil sa 'yo nadagdagan na naman ang kagagohang nangyari sa buhay ko!" Inis kong sabi sa kanya at dahil narinig 'yon ng mga students sa hallway ay nagsitabi sila at nakadaan nga ako ng maayos dahil parang takot na takot sila.

Pagkalabas ko ay binilisan ko ang lakad ko para makaalis na dito at sumunod naman ang mga kaibigan ko. "Uy grabe nakakakilig kayong dalawa..." rinig kong sabi ni Vincent sa likod.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now