Chapter 27

465 24 0
                                    


TIAN MARTELL

TAHIMIK akong nakaupo sa harapan ng lamisa habang nakatitig lang sa mainit kong kape. Natutulala ako dahil hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nakita kong nangyari sa kanila Haku at Gwen kanina.

Natigilan ako sa pagkatulala nang mapansing may papalapit sa akin, lumingon ako at nakita kong si Haku ito na kakatapos lang magbihis mula sa guess room. Agad akong tumayo para iwasan siya gaya ng ginagawa ko kanina pa. "Kape mo, inumin mo na bago lumamig." Rinig kong sabi niya pagkalapit niya sa lamisa.

"Wala na akong gana." Matamlay kong sabi sabay pumasok sa loob ng cr na kunwari iihi.

After ng ilang minutes ay lumabas na ako ng cr at nakita kong nakaupo na siya sa sofa, halata sa mukha niyang nahihiya siya pero sinusubukan niyang ngumiti sa 'kin. Hindi ko siya magawang tignan pero nagsasalubong ang mga kilay ko at kumuha ako ng malamig na tubig mula sa reef at ininom ito.


Napansin ko ang dahan-dahan niyang pagtayo. "S-Sorry, for what happen kanina—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla akong mag mugmog.

Sinadya ko pang lakasan ang pagmugmog ng mouthwash kaya hindi siya makapagsalita ng maayos at putol-putol pa ang paghingi niya ng tawad dahil nag-iingay lang ako. Kung minsan pa ay kumakanta ako ng nursery rhymes at sinasabayan ko ng random na sayaw para lang magmukhang walang paki sa mga sasabihin niya, kaya tumahimik nalang siya.

Pagkatapos ko magmugmog ay muli na siya nagsalita. "Sorry if hindi ako nakapag-paalam sa 'yo kanina...pero maniwala ka, may mahalaga lang akong ginawa..." todo paliwanag pa rin siya.

Gumagawa pa rin ako ng paraan para lang maranasan niyang balewalain. Binuksan ko ang tv at patuloy pa rin siya sa pagpapaliwanag na may practice lang sila kaya mas lalo ko pang nilakasan ang volume ng tv kaya nagdadalawang isip na siyang magsalita pa.

Lumapit ako sa lamisa at nagpatuloy sa pag-inom ng kape habang puro scroll ako sa mga socila media accounts ko. Himala atang ang tahimik ng mga bashers ko ngayon, well tamad na rin kasi ako mag update ng status at mag post ng mga pictures.

Napansin kong lumapit si Haku sa tv at pinatay niya ito kaya napaangat ako ng tingin. "Bakit mo pinatay?!" Inis kong tanong, pero hindi niya ako sinagot at dahan-dahan lang siya lumapit sa 'kin habang nagtitinginan kami.


Pagkalapit niya ay natahimik ako nang umupo siya sa tabi ko at parang nagmamakaawang kausapin ako. "Mag-usap naman tayo please, pakinggan mo muna ako..." para akong naaawa sa maamo niyang mga mata.

Pero hindi ako nagpadala sa pa-cute niya at nagsalubong lang ang mga kilay ko. "At ano namang pag-usapan natin?" Seryoso akong nagtanong at biglang dahan-dahan niya hinawakan ang mga kamay ko. "Galit ka ba sa 'kin?" Mahinahon siyang nagtanong habang hindi niya inaalis sa akin ang kanyang tingin.

Iniwasan ko siya ng tingin. "Hindi ako galit. At bakit naman ako magagalit, eh wala naman akong karapatan magalit. Lalo na hindi naman tayo magkaano-ano." Sinusubukan kong kumalma para hindi niya mahalatang galit ako.

"So galit ka nga...?" Saad niya at muli akong tumingin sa kanya ng masama. "Sabing hindi ako galit!" Nataasan ko na siya ng boses at inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa 'kin at agad akong tumayo para pumunta na sa kwarto ko.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now