Chapter 14

689 28 0
                                    


HAKU MONTERIVER

IT'S 3 o'clock in the afternoon at tapos na ang klase. Nakatayo kami ngayon ng mga kaibigan ko sa labas ng school building. "Sorry bro, pero hindi ka namin masasamahan ngayon may training pa kasi kami sa arnis team." Tugon ni William. "Future tanod kasi mga kaibigan mo..." dagdag ni Troy at nagtawanan sila.

Tumango ako. "Naintindihan ko." Sagot ko at umakbay sila sa balikat ko bago sila umalis.

Tumingin ako sa quadrangle na napakalapit lang mula sa kinatatayoan ko at nakita ko si Tian na nasa stage kasama ang isang maliit na babae na kung hindi ako nagkakamali ay ka-love team niya sa movie. "Hindi ako magseselos, alam ko namang hindi ganyan ang tipo niya." Sabi ko sa sarili.

Pero nang hawakan ng babae ang kamay ni Tian at nagkatitigan sila ay napakuyom ako ng kamao. Gusto ko magdabog pero naisip kong para lang naman sa trabaho 'yang ginagawa nila kaya hayaan ko nalang muna.

Umalis na ako dahil may mahalagang bagay pa akong bibilhin. May malapit lang ditong mall kaya hindi naging matagal ang byahe ko.


Pagkatapos ko ma-parking ang sasakyan ay pumasok na ako sa mall habang nakasuot ng mask para walang makakilala sa 'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang fans na dudumog. "Salamat naman, hindi ako matatagalan dito sa mall." Sabi ko sa sarili.

May napapansin akong lumilingon sa 'kin at parang may ilan pang palihim na kinukuhanan ako ng picture. Siguro may mga tao pa rin ang na-aatract sa kahit naka mask. Hindi ko sila masisisi, medyo maamo naman kasi ang mga mata ko. Sa pagkatanda ko, ang mga mata ko ang unang napansin ni Tian nong mga bata pa kami.

May nadaanan akong mga babae at narinig ko ang usapan nila. "Gosh parang si Haku...hindi kaya siya 'yan..." bulong ng isa sa babae. "Baka nga, kasi siya lang naka mask dito, ayaw niya siguro malaman na nandito siya baka pagkagulohan siya, hindi ba ganyan naman talaga mga sikat..." wika ng isa.

Anak ng tokwa. Nagdududa na sila.

Tamang-tama naman may malapit na skaletor kaya humakbang na ako dito at dinala ako nito sa second floor. Natigilan ako nang makita ang napakaraming tao sa second floor, siguro dahil dito sa playground para sa mga bata.


Pinagtitinginan na ako ng iba kaya nagpatuloy lang ako sa paglakad at hindi sila pinansin. Parang kilalang-kilala talaga nila ang mga mata ko. Naalala kong nasa loob pala ng sling back ko ang black sunglasses ko, kaya kinuha ko ito at ginamit para matakpan ang mga mata ko.

Tamang-tama na may malaking salamin akong nadaanan kaya tinignan ko muna ang sarili dito. "Ayos na, hindi na nila ako makilala nito." Sabi ko at muli na akong nagpatuloy.

Lumapit ako sa isang sales lady. "Can I ask? Where I can find here a guitar?" I ask. "Go on third floor, there you can find the Music Intruments." She replied with a smile.

After ko magpasalamat sa ay muli akong umapak sa skelator. Nang marating ko ang third floor ay hinanap ko ang Music Instruments sa sinabi niya. Nang mahanap ko ang Music Instruments ay napangiti ako sa dami ng iba't ibang instruments na nandito, merong piano, drum, violen at iba't ibang klase ng guitar.

Pumili na ako ng bibilhin kong guitar. Napili ko ang isa sa pinakamagandang accoustic guitar na nandito, simpleng cream color lang siya. Pagkatapos ko magbayad ay binigyan ako ng free extra strings at pick, bumili na rin ako ng gig bag para paglagyan ng guitar.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now