Chapter 20

636 20 0
                                    


ART EVEREST

ENCHANTED PARK na ang naging tambayan naming tatlo ni Tian at Sky. Nagkataon kasi kanina na magkasunod lang kami sa pagpasok at napagpasyahan naming dumaan muna dito.

Maaga pa naman kaya nandito kami sa front yard ng one of Garden Area dito Enchanted Park. Nakaupo kami sa harapan ng lamisa at nasa likod lang namin ang Garden House. Nakapagitna si Tian sa aming dalawa ni Sky kaya hindi siya mahirapang kausapin kaming dalawa.

Nagpatugtog ngayon ng guitar si Sky para maturoan si Tian. Ito kasi ang dahilan kung bakit dumito muna kami para makapag practice si Tian, lalo na ito lang ang bakanteng oras dahil busy na mamaya.

Nakatingin si Sky kay Tian. "Subukan mo ngayon ang Knockin On Heavens Door. Isa ito sa mga best songs para sa mga beginners kagaya mo, dahil apat na chords lang ang kailangan nito. Kapag nasanay ka na sa mga pangunahing hugis ng chord, maaari kang maglagay ng ilang alternatibong boses in places. Pero huwag mo muna isipin 'yon, just get the chords right, and work on the strumming pattern." Sabi niya dito.


Sinimulan ng ipakita sa amin ni Sky paano gawin 'yong Knockin On Heavens Door by Guns N' Roses. Tama nga siya medyo basic lang 'to, para sa kanya, kasi sanay na siya. Pero sa nakikita ko kay Tian parang nagdadalawang isip siya kung kaya ba, napakamot pa nga siya sa ulo habang nakatingin sa kamay ni Sky na tumutogtog ng gitara.

Habang kumakanta ay sinusubukan naman akong tignan ni Sky, at hindi ko siya magawang iwasan dahil talagang napakalamig ng boses niya, kaya nagkatitigan kami ngayon habang dahan-dahan na ngumiti.

Parang napansin 'yon ni Tian kaya napaayos siya sa pagkaupo. "Ahem...huwag naman sana ako maging third wheel 'no..." birong sabi niya kaya nagtawanan nalang kami ni Sky habang nag-iwasan ng tingin.

Napatingin ako sa labas ng Garden Area at napanganga ako nang makita sa malayo ang lalaking kahapon lang nakilala, si Haku. Mukhang kanina pa siya do'n nakatayo habang pinagmamasdan kami at parang may lungkot sa mukha niya.


Umalis din siya dahil nakita niya akong nakatingin sa kanya. Nilingon ko sina Sky at Tian. "Anong alam niyo tungkol kay Haku? Parang ngayon ko lang kasi siya nakita dito sa HA." Saad ko kaya natigil si Sky sa pagtugtog.

Lumingon sila ngayon sa paligid na parang may hinahanap. "Saan? Nandito ba siya?" Tanong ni Tian at umiling ako. "W-Wala siya dito. Kahapon lang kami nagkita. Tapos sa nakita ko, parang mas doble pa ang kasikatan niya kumpara sa amin ng mga HA Pride & Representative." Sagot ko.

Tumango si Tian habang nakatingin sa 'kin. "Oo napakasikat niya, siya ang umagaw sa pwesto ko. Midnight Prince ang tawag sa kanya. Pero ang totoo niyang pangalan is Haku Monteriver. Transfer student at ABM ang strand. Nag trending ang mga pictures niya captured in the middle of the night at the Music Festival. Millions ang naging fans niya sa loob lang ng isang araw. Napaka-gwapo daw kasi niya, parang fictional character. Pero para sa akin, para siyang gago." Nakita ko pa ang medyo inis sa mukha niya.

Unti-unti naman siya ngumiti ngayon. "Sa totoo lang inis na inis ako sa kanya. Pero mukhang mabuti naman ang intension niya sa 'kin, makailang ulit na nga niya ako nililigtas." Pero nagkunot-noo naman siya ngayon. "Ang pinagtataka ko lang ay ang pagkatao niya. Kung ano ba talaga siya? Kasi parang bading na bading siya sa 'kin eh..." napapaisip siya.

"Napapansin ko din ang pagseselos ni Haku sa tuwing magkasama tayo. Hindi kaya, may gusto siya sa 'yo?" Biglang sabi ni Sky at natawa lang si Tian. "Naku ano bang pinagsasabi niyo...paano magkagusto ang straight na katulad niya sa straight na kagaya ko...? Parang ang hirap naman paniwalaan na magkagusto ang parihong lalaki sa isa't isa. Baka bored lang sila..." tawa siya nang tawa.


Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now