Chapter 24

510 24 0
                                    


HAKU MONTERIVER

MAAGA pa at hindi pa oras ng klase kaya nandito pa ako sa quadrangle kasama si Tian dahil napag-usapan namin na magkita ng maaga para makapagpractice siya ng guitar.

Habang busy ang mga crew sa paghahanda ng kanilang next scene ay nandito naman kami sa gilid tuloy lang sa practice. "Ulit-ulitin mo lang ang mga chords mula sa mga major hanggang sa minor." Sabi ko sa kanya.

Nilingon niya ako. "Hanggang ilang ulit pa? Sakit na ng daliri ko eh..." nakabusangot niyang sabi.

"Hanggang sa makita kong memorize mo na silang lahat at maging mabilis ang pag-iba-iba mo ng finger style. Sa ngayon kasi memorize mo na sila pero nagkakalito pa rin ang mga daliri mo. Basta sundin mo lang ako. Baka bukas bibigyan na kita ng kantang pag praktisan mo." Sagot ko at napangiti naman siya. "Hala exciting...sana song ng Coastline, gusto ko talaga mga kanta nila..." nakita ko ang pagkasabik niya at pasimple lang akong ngumiti.


Tinuloy lang niya ang pagpractice ng bawat chords habang nakatingin lang ako sa kanya at pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Mayamaya'y biglang may lumapit sa harapan namin at para malaman kung sino ang mga ito ay dahan-dahan kami nag angat ng tingin at nakita naming sina Art at Sky lang pala ito.

"Hi...we're back...kumusta kayo?" Nakangiting pagbati ni Art at tumayo naman si Tian na abot tenga ang ngiti. "Mabuti nandito na kayo..." agad niyang niyakap si Art at naging mahigpit ang yakapan nila. "Art, na-miss ko kayo...kumusta ka na?" Nagbalik naman ng pangungumusta si Tian.

"Ito, may kunting kirot pa rin pagnaalala ang sakit ng nakaraan. Pero ang mahalaga naman ay nilalabanan ko na ang lungkot." Sagot ni Art at nilingon niya si Sky. "Nagpapasalamat ako kay Sky, dahil pina-realized niya sa 'kin na napakarami palang paraan para sumaya, kaya hindi dapat manatili lang sa dilim." Nagkatitigan sila ngayon ni Sky habang may ngiti sa mga labi.

Nilingon ni Art si Tian. "Ikaw kumusta na ang pag-gigitara mo? Kumusta kayo ni Haku?" Si Art naman ngayon ang nagtanong. "Okay na medyo gumagaling na ako, dahil magaling ang nagturo sa 'kin eh..." nakangiting lumingon sa 'kin si Tian at napangiti naman ako dahil hindi ko inasahang sasabihin niya 'yon.


Nawala ang ngiti ko nang biglang umakbay sa 'kin si Sky. "So totoo pala ang sinabi ni Art, ikaw na ang bagong coach ni Tian. Hindi ko akalaing may tinatagong galing ka pala sa guitar, akala ko kasi gwapo lang ang meron ka..." matamis ang ngiti niya pero alam kong nang-aasar siya.

Hindi ko nagustohan ang sinabi niya at nagagalit pa rin ako dahil sa mga pinaggagawa niya kay Tian at sa mga masasakit na salita, kaya inalis ko ang kamay niya mula sa balikat ko. "Don't act like we're friends. We ain't and we never be friends." Seryosong sabi ko kaya napanganga siya.

Tumayo ako at lumapit kay Tian. "Hali ka na, practice ulit." Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya pabalik sa upuan, wala siyang nagawa kundi ang umupo sa tabi ko at humawak ulit ng gitara.

Habang tinuturoan ko si Tian ay naririnig ko naman ang usapan nila Art at Sky. "Bakit kaya galit na galit siya sa 'kin, eh hindi naman ganon kalaking bagay ang nagawa ko para magalit siya ng ganyan. Not unless may iba pang dahilan..." mukhang napapaisip si Sky.

Nakita kong inilapit ni Art ang mukha niya sa tenga ni Sky na parang may ibubulong. "Atin-atin lang 'to ha...pero nagseselos siya tuwing magkasama kayo ni Tian..." mahina silang nagtawanan.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now