Chapter 13

670 31 0
                                    


HAKU MONTERIVER

IT'S in the middle of the night, but I'm still staring myself at the mirror. After I take a shower naka white towel nalang ako. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko at hindi ko mapigilang ngumiti nang maalala ko ang ginawa sa 'kin ni Tian kanina.

Sa lahat ng nasuntok, ako lang yata ang nakangiti. I don't feel pain or anger sa suntok na 'yon, kasi syempre siya naman ang may gawa no'n. Kung sa ibang tao malamang magagalit talaga ako.

Lumabas na ako para makapagbihis. Pagkatapos magbihis ay umupo na ako sa kama. Tinitignan ko ang kwarto kong walang ka design-design, puro black ang mga kurtina, may mga paintings pero sketch lang din walang color, ganito kasi kadilim ang buhay ko dati.

Ang tanging nagbibigay kulay lang sa room ko ngayon ay ang lamp na nakapatong sa drawer. My midnight is always like this, hirap makatulog. Nagsimula ang lahat ng ito bata palang ako, nong umalis ako at tumira na sa Los Angeles.

That day is still like hunting me. Giving me so much of what ifs. What if hindi ako umalis? What if I stay? What if I fight? Mga what if na hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isip ko.


Hindi na naman ako makatulog sa dami kong iniisip. Isa na do'n ang mga nangyari nitong nakaraang araw lang. Fresh pa rin sa 'kin ang lahat ng nangyari mula nong nakabalik ako dito sa Philippines.

Napahiga nalang ako sa kama dahil wala naman ako iba pang gawin. Gusto ko na matulog pero ginugulo ako ng isip ko, lagi nalang ganito na parang nag re-rewind ang lahat.

Mulo do'n sa airport na kakabalik ko pa nga lang dito sa Pilipinas ay agad ko na siya nakita. Iba talaga kumilos ang tadhana, akalain mong naging ganon kabilis ang muling pagtatagpo namin.

It's a special moment for me, napakasaya ng puso ko no'n, hindi ko lang maipakita dahil hindi ako ganon ka-showy sa feelings ko. Pero ang masakit lang is hindi na niya ako maalala.

Kahit anong pilit kong paglapit ng mukha ko sa kanya sa loob ng kotse ay wala akong nakikitang excitement o tuwa sa mukha niya. Para lang akong stranger sa mga mata niya.

Expected ko na 'yon dahil sa condition niya. 10 years din kaming nagkahiwalay kaya malabo ng mabalik pa ako sa ala-ala niya. Napanuod ko no'n sa balita ang pagtapat niyang may rare memory disorder siya na hanggang ngayon hindi pa rin matukoy kung ano o paano nagsimula.

But it was a scared condition dahil hindi niya hawak ang takbo ng memorya niya. Nakakalimutan niya ang mga nakaraang pangyayari, lalo na kapag matagal ng hindi nakikita ang isang tao.


Dumaan din sa isip ko ang pangalawang pagkikita namin, sa Music Festival. Natuwa ako nang makita ko siya do'n, dahil nalaman kong hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa music. Lalo na sa bandang Coastline.

Nong gabing 'yon para akong ibinalik sa nakaraan na mga bata pa kami at magkasama naming pinakikinggan ang mga kanta ng Coastline.

Nong inawit nila ang Make You Mine habang magkalapit ang aming katawan ay gustong-gusto ko na umamin sa kanya na ako ang kababata niya, pero mukhang hindi pa 'yon ang tamang panahon.

Ayaw ko matapos ang gabing 'yon na hindi ko maipadama sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos ang mukha niya habang siya'y nakatulog sa braso ko.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now