Chapter 5

1.1K 41 1
                                    


TIAN MARTELL

DAHAN-DAHAN ko inimulat ang mga mata ko at ilang minuto din akong natulala. Habang nakatingin ako sa itaas ay nanlaki nalang ang mga mata ko at dali-dali akong bumangon. "Taika anong nangyari, tapos na ba ang Music Festival...?!" Natataranta ako habang lumilingon.

Nagkunot ngayon ang noo ko dahil parang nasa loob ako ng kwarto at hindi ako familliar sa kwartong ito. Pero sana naman walang masamang nangyari sa 'kin.

Kabadong-kabado ako habang dahan-dahan na inalis ang kumot sa katawan ko at agad ko tinignan sa loob ng short ko ang dakila kong alaga.

Nakahinga ako ng maluwag dahil nasa maayos pala ito at mukhang gising na gising sa loob ng short ko. "Hays salamat naman...akala ko pinutol na 'yong alaga ko, mahalaga ito sa 'kin, hindi dapat 'to mawala..." saad ko.

Pero anong nangyari? Bakit nandito na ako sa kwarto? Sinong nagdala sa 'kin dito? At anong nangyari sa 'kin sa Music Festival? Wala talaga akong maalala, ang naalala ko lang ay pumunta kami do'n para makalimutan ko ang mga sinabi sa 'kin ni Jane.

Napalingon ako sa pinto nang marinig ang tatlong beses na katok. Nang dahan-dahan itong magbukas ay napakuyom ako ng kamao at nakahanda talaga akong lumaban, dahil baka na-kidnap for ransom na ako dito. Pero hindi naman siguro dahil nabihisan naman ako, at ang gara nitong kwarto, pang-yamanin.


Nang magbukas na ang pinto ay napanganga ako nang makitang ang kaibigan kong si Blue lang pala ito at sunod na rin na pumsok sina Vincent at Alvin. "Uy gising na ang lasing..." natawang sabi ni Alvin at tinatawanan na nila ako ngayon.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Ano, naglasing ako kahapon...?" Napabuntong hininga nalang ako. "Hays...kaya naman pala wala akong maalala bukod do'n sa mga sinabi ni Jane..." nilingon ko sila. "Anong mga nangyari? Sabihan niyo ako para may alam naman ako...wala naman sana akong nakakahiyang ginawa..." napakamot nalang ako sa ulo.

Umupo si Vincent sa kama malapit sa 'kin. "Tian, nag enjoy tayo do'n nong hindi ka pa lasing. Tapos pagdating ng gabi, lasing ka na no'n...at nakipag-siksikan ka pa sa maraming tao para lang makasabay sa kantang Make You Mine." The way siya magsalita ay parang daig pa niya ang mga marites na talagang detailed at maypagalaw-galaw pa ang mga kamay niya.

"Pero ang hindi namin alam ay kung anong nangyari sa 'yo nong nahiwalay ka sa amin dahil sa pagtutulakan ng mga tao...hinanap ka namin, at nakita ka nalang namin na mahimbing ang tulog sa bench." Sagot niya sa mga tanong ko.


Natahimik nalang ako dahil kahit anong pilit ko ay wala talaga akong maalala. Sobrang lasing ko ba talaga kagabi, naka-ilang bote kaya ako?

Ngumiti si Blue. "Nandito ka sa kwarto ko Tian, binago ko lang ang designs kaya malamang naninibago ka." Nakalahad ngayon ang kamay niya sa labas ng pinto. "Nakahanda na pala ang pagkain sa lamisa, hali na kayo kumain na tayo..." sabi niya.

Tumayo na ako at lalabas na sana kami ni Alvin at Blue pero napahinto kami nang biglang sumigaw si Vincent habang nakatingin sa kanyang cellphone, kaya napalingon kami sa kanya. "Vince, ayos ka lang? Parang gulat na gulat ka, ano ba 'yan...?" Tanong ni Alvin kay Vincent.

Dahan-dahan nag angat sa amin ng tingin si Vincent at kitang-kita ang gulat sa mukha niya. "May poging nag trendiinnggg..." sigaw niya habang nakahawak pa siya sa pisngi niya na parang babaeng kinikilig.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ